Wednesday, November 11, 2020

Kalunos-lunos Ang Sinapit Ng Isang Nanay Matapos Siyang Buhusan Ng Kaning Baboy Ng Kanyang Anak

Photo Credits: Willie Damasco/ Facebook

Bilang isang anak, obligasyon natin na respetuhin at igalang ang ating mga magulang. Minsan ay may mga pagkakataong nagkakaroon tayo ng mga hindi pagkakaintindihan ngunit hindi ibig sabihin nito na pwede na tayong magpakita ng kawalang-hiyaan sa kanila.

Sa isang Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Willie Damasco ay makikita ang mga kalunos-lunos na larawan ng isang 85 taong gulang na matandang ina na diumano ay tinapunan raw ng kaning baboy ng kanyang sariling anak.

Caption ng netizen,

"85 years old na Nanay gibuhosan og lamaw sa iyahang anak nga tumboy, tarong ba gud na?!"

Photo Credits: Willie Damasco/ Facebook

Makikita ang matanda na pinagtitinginan siya ng mga taong nasa kanyang paligid. Nabasa siya mula ulo hanggang paa maging ang suot niyang damit ay napakarumi na dahil sa itinapon sa kanya.

Maraming netizens ang nadurog ang puso at Laking galit nila sa taong gumawa nito sa matanda dahil hindi naman daw ito makatarungan. Matapos niyang palakihin ang kanyang anak ay ganito lamang ang igaganti sa kanya. Kung mayroon man silang di pagkakaunawaan ay hindi pa rin niya ito dapat ginawa lalo na't may edad na si nanay.

Narito ang mga komento ng mga netizens tungkol dito.

"Pasalamat ka dahil buhay pa ang nanay mo kami wala ng ina masakit na walang ina."

"Salbahe na anak, walang awa sa ina."

"Kawawa naman, di ba siya naawa sa nanay niya?"

"Grabe naman. Kung di mo kayang irespeto pagkatao niya sana sa edad man lang nya ginalang mo."

Photo Credits: Willie Damasco/ Facebook

Isang netizen naman ang nais munang malaman kung ano ang naging rason kung bakit daw iyon ginawa ng anak sa kanyang ina. Ngunit komento ng mga netizens na kahit ano pa man ang dahilan ay magulang pa rin niya iyon at hindi niya ito dapat ginawa sa kanyang ina.

Ilang netizens naman ang nanawagan na sana ay matulungan ang matanda at managutan ang kanyang anak sa kanyang ginawa.


EmoticonEmoticon