Photo Credits: Dar Palencia/ Facebook |
Ibinahagi ng netizen na si Dar Palencia sa isang Facebook post ang isang ama na taga Koronadal City na nahulugan ng pera. Nanawagan siya sa mga netizens na kung maaari ay i-share ang kanyang post para matulungan ang lalaki.
Nakilala ang lalaki bilang si Rolando B. Drilon na nagmula sa San Isidro patungong Norala sa Koronadal City. Nahulog ang kanyang itim na bag na isinabit niya sa traysikel na naglalaman ng cellphone, lisensya at pera na nagkakahalagang Php11,000.
Photo Credits: Dar Palencia/ Facebook |
Labis ang kanyang pag-aalala dahil ang pera sanang iyon ay gagamitin para sa operasyon ng kanyang anak sa Allah Valley Hospital.
Kaya raw ibinihagi ni Palencia sa social media ang sitwasyon ni Tatay Rolando ay para mas madaling mahanap ang kung sino mang nakapulot ng kanyang bag at nagbabakasakaling maibalik pa ito sa kanya. Naawa raw kasi siya sa lalaki dahil labis ang kanyang pamomroblema at pag-aalala.
Samantala, ang Facebook page na 95.7 Brigada News FM Koronadal ang nagbahagi rin ng sitwasyon ni Tatay Rolando. At nanawagan sa kung sino man ang nakapulot ng bag ay maawa sana at ibalik ito sa kanilang himpilan.
Photo Credits: 95.7 Brigada News FM Koronadal/ Facebook |
Ang post naman nilang ito ang nakatawag ng pansin sa mga mabubuting loob na netizens at mayroong nagpaabot ng kanilang tulong pinansiyal.
Php11,000 lamang ang hangad ni Tatay Rolando na maibalik sa kanya, ngunit sa tulong ng mga netizens ay nabigyan pa siya ng pera na umabot ng Php65,000.
Komento ng ilang mga netizens na sana kung sino man ang nakapulot ng bag ni Tatay Rolando ay magkaroon ng kunsensya. Ngunit marami ang naniniwala na baka napagka-interesan na ng iba ang kanyang nahulog na bag lalo na't mayroon itong lamang mahalagang bagay.
EmoticonEmoticon