Showing posts with label Trending. Show all posts
Showing posts with label Trending. Show all posts

Friday, April 22, 2022

Andrea Brillantes viral muli dahil sa pag higop umano ng mantika?

- Usap-usapan na naman si Andrea Brillantes sa panibagong viral video niya

- Kamakailan lamang kasi ay inilabas na ang music video ng kantang 'Tahanan' kung saan bida si Andrea

- Ngunit mas napansin ng netizens ang tila nakakatuwang bahagi ng video

Usap-usapan muli si Andrea Brillantes dahil sa panibagong video niya mula sa isang kaka release lamang na Music video.

Kamakailan lamang nga ay inilabas na ang official music video ng kantang 'Tahanan' kung saan bida rito si Andrea Brillantes.

Mapapakinggan nga ang magandang awitin na ito sa kanilang music video ngunit tila mas nakapukaw ng pansin sa netizens ang isang pangyayari sa naturang video.

Ayon sa mga nakapanood ay nagluluto o nag pi prito ng hotdog si Andrea at saka tinikman umano ang mantika dahilan upang gawing katatawanan ito ng marami.

"Masarap po ba yung mantika?," Pabirong tanong ng netizens.

Sa kaniyang facebook page pa nga ay nagbahagi si Andrea ng mga screenshot ng naturang music video nila at tinawanan na lamang ang kantiyaw ng netizens.

Isang netizen ang sinagot ni Andrea kung bakit niya tinikman ang mantika at sinabi niyang tubig umano ang tinikman niya, hindi mantika.


"sinabawang hotdog supremacy," kumento pa ni Andrea na tila sinakyan na lamang ang mga biro ng netizens.


Panoorin ang music video rito:

Thursday, April 21, 2022

Michelle Vito, ayaw na pinag-uusapan; May komento sa chikang nabuntis siya ni Enzo Pineda

- Inamin ng aktres na si Michelle Vito na talagang na-stress siya sa balita ng mga netizens na nabuntis siya ng nobyong si Enzo Pineda

- Nagulat nga rin daw si Enzo nang tumawag sa kanya ang kanyang ama upang itanong kung totoong buntis nga si Michelle

- Nagbiro naman ang aktres hinggil sa isyung ito at sinabi pang hindi na raw siya kakain kapag magsu-suot ng swimsuit upang hindi na ma-chismis pa. 

Nakapanayam nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Ate Mena ang mag-'dyowang' sina Michelle Vito at Enzo Pineda sa kanilang YouTube vlog para sa panibagong episode ng kanilang programang “Showbiz Update” sa nasabing streaming app. 

Dumalo si Ogie sa unang birthday party ni Baby Felize kaya naman nagkaroon ito ng pagkakataong makapanayam ang aktres na si Michelle Vito upang itanong sa kanya ang chikang nabuntis siya ni Enzo. 

Unang tanong ni Ogie, “Hindi ka ba nabuwisit nu’ng first mong malaman na buntis ka raw.”

“Hindi, pero mas na-stress ako noong ang dami nang tuluy-tuloy nagko-comment. Pero kasi ayaw ko ‘yung parang pinag-uusapan. ‘Yun ‘yung ayaw ko eh,” naka-smile na sagot nito.

Naki-chika rin si Enzo at sinabi pang, “Hindi ko nga alam na may ganu’ng nangyari nu’ng time na ‘yun. Nagulat na lang ako tumawag ‘yung daddy ko, (tinanong) ‘buntis ba si Michelle?’ Sabi ko, ‘hindi ko alam, bakit?’”

Sumagot naman daw ang kayang ama ng, “Kasi nasa news, eh.”

“Huh? Sabi ko, ‘dad wala busog lang si Michelle,’” hirit pa ng aktor sa kanyang ama habang tumatawa.

“Hindi ako kakain pag nag-swimsuit. Hahaha!” ani Michelle at nakisabay nalang sa tawa ang kanyang nobyo.

Wednesday, April 20, 2022

Kim Chiu, napaiyak ni Vice President Leni Robredo; Tinawag na soon-to-be President

- Sinabi ni Kim Chiu na literal na napaiyak siya ni Vice President Leni Robredo dahil sa mensahe nito para sa kanyang kaarawan

- Kumpleto na nga rin daw ang kanyang kaarawan dahil sa pabating ito ng tinaguriang 'Busy Presidente' ng ilang netizens

- Tinawag rin niya ang Presidential candidate na si VP Leni Robredo bilang 'soon-to-be President' ng Pilipinas

Ramdam na ramdam ang tuwa ng Kapamilya star at host na si Kim Chiu nang batiin siya ng Bise Presidente ng Pilipinas na walang iba kundi si Leni Robredo.

Emosyonal na ibinahagi ni Kim ang mensahe sa kanya ng vice president para sa kanyang kaarawan sa kanyang Instagram account na umani ng iba't-ibang positibong reaksiyon.

“Gusto ko lang kunin ang pagkakataon sabihin sa ‘yo how inspiring your life has been for many people including myself. Sinusubaybayan ko ‘yung journey mo at ikaw ang pinakamaganang example nang pag-defy ng lahat ng odds,” panimulang bati ni VP Leni sa aktres.

“At ‘yung kasikatan ay ginagamit para mag-influence ng iba sa kabutihan. So keep up the good work. Keep inspiring others. I wish you all the best. We wish all the luck in the world kasi you deserve it. Happy birthday!” pahayag pa nito.

Kitang-kita rin sa caption ni Kim kung paano ito napasaya ni 'madam Leni' dahil nagawa pa raw niyang mabati siya lalo na't alam niyang abala ang presidential candidate sa pagtulong sa sambayanan.

“OMG!!!!!! Literally I am crying right now!!!!! Nakaka iyak na ang isang tao na alam ko na maraming ginagawa araw araw, doing everything for the people as a Vice President of our country and a soon to be PRESIDENT. Rally dito rally doon. Debate dito, debate doon. Motorcade, house to house. Personal duties as a mother at marami pang iba,” caption nito.

Dagdag pa niya, “Grabe saludo po ako sa inyo maam and watching this video made my heart melt. Salamat po for seeing me, for sending this video, napaka personal po ng message ninyo. Maraming maraming salamat po. Truly made my birthday complete, didn’t expect this pero maraming salamat po.”

Nagpasalamat naman siya sa laban na ginagawa niya para sa ating bayan. Matagal na rin umanong inaasam ng mga Pilipino ang tapat na pamahalaan kaya naman iboboto niya si VP Leni dahil dito. 

“SALAMAT DIN PO SA LABAN NA BINIBIGAY NINYO PARA SA ATING BAYAN. Makakaasa po kayo KASAMA NYO PO AKO SA LABAN NA ITO. LABAN PARA SA ISANG GOBYERNONG TAPAT, ANGAT BUHAY ANG LAHAT.

“Matagal na naming hinihiling at inaasam ang isang TAPAT na pamahalaan, na nakaupo para sa mga tao at hindi para sa sarili. I am here behind you alongside with all the Filipinos who are hungry for HONEST AND GOOD GOVERNANCE. I am looking forward for a better, brighter, kulay rosas na bukas para sa buong PILIPINAS with you as our PRESIDENT, Maria Leonor “Leni” Gerona Robredo,” hirit pa nito.

Tuesday, April 19, 2022

Isang senador tinatraydor umano si Robin; Mariel sinabing sana ay walang dayaan sa Halalan

- Ichinika ni Ogie Diaz na mayroong senador na tila tinatraydor ang tumatakbong si Robin Padilla ngunit ayaw na umano nilang banggitin kung sinong senador ang tinutukoy

- Ang masama pa nga rito ay kapartido pa ni Robin ang nakikipagkaibigan sa kanyang senador pero ayaw talaga umano nito kay Robin

- May sagot naman si Mariel Padilla patungkol dito, aniya, sana raw ay walang dayaang mangyari sa nalalapit na Halalan

Muli na namang nagpaandar ang showbiz manager at host na si Ogie Diaz patungkol sa tumatakbong kandidatong si Robin Padilla sa Halalan 2022.

Sa “Showbiz Update” YouTube channel kasi nila ay kabilang sa kanilang paksa ang isang senador na tinatraydor umano ang dating 'Pilipinas Got Talent' judge na ngayon ay isa sa nangunguna sa mga surveys sa pagka-senador.

“Eto nga Loi, merong isang senador na nakikipagkaibigan kay Robin pero ayaw pala niya talaga kay Robin.” pagsisimula ni Ogie.

“At mukhang siya (Robin) ay inilalaglag. Ayaw ko nang banggitin kung sino ang senador na ito ‘no, at ang nakakaloka, kaanib pa niya doon sa kanyang piket,” ani pa ng vlogger.

May komento naman si Mariel Padilla nang makapanayam rin siya ni Ogie. Nagpapasalamat naman daw sila sa mga nagmamahal sa kanyang asawa lalo na't waging-wagi sila sa mga inilalabas na surveys.

“Right now nakakuha kami ng magandang survey, so nagpapasalamat ako sa lahat ng nagmamahal sa asawa ko saka sa mga naniniwala sa kanya and siyempre hindi natin maiwasan na may mga iba na gusto siyang i-out (ilaglag).

“Naku, matakot kayo sa Panginoon. Ang prayers ko talaga ngayon ay walang mangyaring dayaan sa darating na eleksyon at sana maging okay ang lahat,” banggit pa nito.

Maging jowa kapalit ng pera? Jai, ibinuking na may mga artistang pumayag sa offer!

- Ibinuking ng ex-PBB Housemate na nakatanggap siya ng indecent proposal upang maging jowa siya kapalit ng isang milyon at kotse

- Nakita nga rin umano niya ang mga listahan ng mga artistang na-escort-an ng nag-alok ng 'grabeng' offer

- Kabilang ang aktres sa Kapamilya series na “How To Move On In 30 Days” na pinagbibidahan nina Maris Racal at Carlo Aquino

Hindi pumayag ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Jai Agpangan sa offer sa kanya ng isang 'di kilalang tao na maging jowa siya kapalit ng isang milyon at isang luxury car.

Inamin niya ito sa vlog ng kaibigang social media influencer na si Kyo Quijano sa “Sagot o Lagot” game sa kanilang YouTube video kasama ang Kapamilya actress na si Maris Racal.

Nasabi nga rin niya na nakita niya ang mga listahan ng mga artista na pumayag sa indecent proposal sa message request na ipinadala sa kanya ng sender.

“Alam mo, naka-receive ako kasi akala nila siguro sa akin fake news yung IG, akala nila matangkad, sexy, ganyan. Naka-receive na ako ng indecent proposal, one million and Tesla car. Pero di ko in-accept.” simula nito.

“Promise! Pero hindi ko in-accept. Kasi parang nakakatakot, kasi parang ano siya…

“Parang gagawin ata akong ‘xvislib’ (exclusive). So, parang nag-i-sketchy. At sa liit kong ‘to, ha. 

“Feeling ko kasi parang ano lang, influencer chururut. May ano pala, escort chururut!” dugtong na pahayag ni Jai. 

Tila gusto nga raw niyang humirit sa nag-offer sa kanya ng, “Sure ka? Sure ka sa akin, joke!”

“Actually, message request yung sinend sa akin. Naka-proposal lahat. Nag-namedrop pa siya ng ibang artista na na-escort-an siya. Grabe, ganu’n kalala.” kuwento pa ng aktres.

Monday, April 18, 2022

Gerald Anderson niregaluhan ng magarang motorsiklo ang longtime PA sa kaarawan nito

- Masayang ibinahagi ni Gerald Anderson ang video niya sa Instagram 

- Ang naturang video ay ang pagbibigay regalo niya sa longtime PA niyang Jalal Laidan

- Labis labis ang pasasalamat ni Jalal sa aktor sa regalong motorsiklo para sa kaniya

Masayang ibinahagibni Gerald Anderson ang video niya sa kaniyang Instagram account kung saan ipinakikita nito ang sorpresang regalo niya para sa kaniyang longtime PA at kaibigan na ring si Jalal Laidan.

Ikinuwento ni Gerald na matagal na umanong pangarap ni Jalal ang magkaroon ng sariling motorsiklo na Black Yamaha Aerox 155.

"Matagal na niyang pangarap iyan so pagbibigyan naman natin siya, ang anak ng sultan," ani Gerald.

Sa naturang video nga ay mapapanood ang paglabas ni Jalal mula sa kanilang bahay na sinalubong si Gerald habang nakasakay ito sa motorsiklo, maya maya pa'y kumanta na si Gerald ng 'Happy Birthday'.

Labis labis na kasiyahan ang makikita sa mukha ni Jalal dahil sa pangyayaring iyon at walang humpay na yakap at pasasalamat ang sinabi nito sa aktor.

"Thank you Ge, thank you. Thank you, brother," ang mga nasambit ni Jalal.

Sa kaniyang Instagram account pa nga ay ibinahagi ni Jalal ang pasasalamat pa niya sa aktor dahil sa regalong ibinigay sa kaniya.

Sunday, April 17, 2022

Alexa Ilacad sa tunay na relasyon nila ni KD: "ibinigay ako sa ‘yo ni Lord to..."

- Muntik nang maisiwalat ni Alexa Ilacad ang tunay na namumuong relasyon sa pagitan nila ng ka-loveteam na si KD Estrada

- Aniya, 'ibubulong' nalang umano nila kay Father Tito Caluag ang kanilang relationship status nang tanungin ito hinggil sa kanilang relasyon

- Naikwento naman ni Alexa na matagal na siyang nagbabalak na pumasok sa bahay ni Kuya ngunit tila itinadhana sila ni KD na magkita sa naturang season ng 'PBB'

Hindi maitago ang kilig sa pagitan ng dalawang Kapamilya stars na sina Alexa Ilacad at KD Estrada nang makapanayam sila ni Father Tito Caluag sa programang “Kapamilya Journeys of Hope with Father Tito Caluag".

Noong April 16, sa ika-100 episode ng programa, ay natatawang sumagot si Alexa nang tanungin sila ni Father kung ano na talaga ang tunay na relasyon nila ng ka-loveteam na si KD Estrada.

“SECRET po, ibubulong na lang namin later,” sagot ng aktres.

Malaking blessing nga nila kung ituring ang isa't-isa lalo na noong mga celebrity housemates pa sila at kailangan ng 'kakampi' sa 'Pinoy Big Brother' season 10 ng Kapamilya.

“We were both sharing a very similar journey that we didn’t even realize.

“Siguro ibinigay ako sa ‘yo ni Lord to make your journey here lighter. Baka talagang pinaglapit tayo.

“For so many times we were in the same room, there were so many times na dapat nag-PBB ako, pero bakit sa itong season napunta,” mensahe ni Alexa kay KD.

Para naman kay KD, hindi siya pinabayaan ng rumored girlfriend simula noong nagkakaroon siya ng mental breakdown at panic attacks sa PBB. Ibinahagi rin niyang malaking tulong si Alexa para sa kanya.

“I felt she really wanted to understand and help me. It’s so nice kasi while the housemates they’re nice, Alexa is different,” sabi ni KD.

Sagot naman sa kanya ni Alexa, “I didn’t know at that time he was going through something. I just felt like this person needs me, like, baka maka-help ka.

“When I saw him and I felt like he needed me, I really knew I needed to make an effort to understand what this person is going through para matulungan ko."

Kahit hindi aminin ng dalawa ang kanilang relasyon, naniniwala naman ang kanilang fans na nagkakamabutihan na ito base na rin sa kanilang sweet moments at sa pagiging komportable sa isa't-isa.

Kampo ni Pia, pinatutsadahan ang mga netizens na gumagawa ng kwento sa kanilang engagement

- May patutsada ang kampo ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach sa mga netizens na mahilig gumawa ng mga kwento

- Ito ay matapos kumalat sa social media ang mga chismis na engaged na nga si Pia sa boyfriend nitong entrepreneur hunk

- Wala naman daw engagement party ayon sa kampo ng beauty queen

Tinuldukan na ng panig ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach ang mga haka-hakang engaged na ito sa boyfriend niyang si Jeremy Jauncey base sa mga posts ng netizens.

Naglalabasan kasing muli ang mga bali-balitang engaged na ang beauty queen matapos mapansin ng mga netizens ang ‘bonggang’ diamond ring na suot ni Pia na unang nakita sa vlog ng kanyang ina na si Cheryl Alonzo Tyndall.

Unang pumasok sa isip ng mga netizens na ang nakitang singsing ng beauty queen sa nasabing vlog ay ang engagement ring nito na nakasuot sa kanyang kaliwang ring finger.

Naganap naman ang vlog sa England kung saan nagsama-sama sina Mrs. Cheryl, Pia, at Jeremy upang magbonding habang kumakain ng breakfast sa Marriott Hotel sa London.

Ngunit ayon sa kolumnistang si Reggee Bonoan para sa Bandera, nilinaw umano sa kanila na hindi totoo ang mga chikang ito at “Walang engagement party at walang marriage proposal na naganap”.

April 17 naman ang sumunod na vlog ni Ms. Cheryl at base doon ay pabalik na sina Pia at Jeremy sa kanilang mga tahanan.

Tanong ulit ng kolumnista kung saan umano galing ang mga balitang ito, “Netizens lang gumagawa ng kuwento,” aniya.

Saturday, April 16, 2022

Karen, tutulungan si Herlene Budol; Naging 'squammy' umano sa interview

 
- Nangako ang Kapamilya journalist na si Karen Davila kay Kapuso comedienne na si Herlene Budol na tutulungan niya umano ito ng financial assistance

- Gusto rin daw kasi maging bahagi ni Karen sa pangarap ni Herlene na makapagpatayo ng bago at sariling bahay

- Na-aliw nga rin umano ang journalist sa 'squammy approach' ni 'Hipon Girl' sa nasabing panayam

Madaling mahalin ang Kapuso comedienne na si Herlene Budol o mas kilala bilang “Hipon Girl” dahil sa kabutihang taglay nito sa kanyang puso.

'Yan ang ibinandera ng Kapamilya host at journalist na si Karen Davila nang nangako itong tutulungan niya si Herlene sa pamamagitan ng pag-donate nito sa kanya ng kinita sa vlog na kung saan na-interview niya si Hipon Girl.

Aniya, gusto kasi niyang maging bahagi ng pangarap nitong makapagpatayo ng sariling bahay para sa kanyang pamilya.

Viral at umabot sa 1.6M views ang naturang vlog ng dalawa. Nag-post rin si Herlene ng kanilang teaser para sa interview vlog noong nagdaang April 12 sa kanyang Instagram account.

Caption niya, “Aliw na aliw sa akin si Miss Karen Davilla sa pag interview sa aking pagiging Squammy approach ko.

“Sa kanya ako nag unang chika na sasali ako ng Binibining Pilipinas at nag trending yung content namin ng 1.5M views,” saad pa nito.

Nagkomento naman rito si Karen. Aniya, “It’s so easy to love you Herlene kasi napakabuti ng puso mo (heart emoji) God will reward your faithfulness and love for your family!

“I am here for you (smiley with three hearts emoji) hoping kahit paano makatulong ang proceeds ng vlog sa plano mong lilipatan (heart emoji),” hirit pa nito.

Friday, April 15, 2022

Claudine, ginamit umano si Rico Yan; Ogie, may ibinuking hinggil sa mga naunang isyu

- Nag-react maging ang showbiz manager na si Ogie Diaz sa 'di-umano'y panggagamit ni Claudine Barretto sa yumaong aktor na si Rico Yan

- Ibinuking din nito na nagiging iba ang pinapahayag ni Claudine kung minsan kapag nagkakaroon ito ng mga isyu

- Napaisip rin si Ogie na sana raw ay hindi na ginamit ni Claudine si Rico dahil maling-mali raw talaga ang ginawa ng aktres

May reaksyon ang showbiz manager at host na si Ogie Diaz patungkol sa kinakasangkutang isyu ngayon ng aktres na si Claudine Barretto sa 'di-umano'y panggagamit niya sa yumaong aktor na si Rico Yan.

Sa pinaka-huling vlog nina Ogie Diaz sa “Showbiz Update” sa YouTube kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh, ay tila sinang-ayunan ng host ang sabi-sabing manggagamit si Claudine Barretto na nagsimula naman noong sinabi ng aktres na sinusuportahan din ni Rico sina Rodrigo Duterte at Bongbong Marcos.

Hindi naman sumang-ayon ang writer na si Noel Ferrer sa balitang ito at ibinahaging nakasama niya umano si Rico sa anibersaryo ng EDSA People Power. Sana rin daw ay huwag nang gamitin ang aktor para sa kanyang “personal gains”.

Hirit ni Ogie, “Para lang manalo, para lang umingay ang kandidatura at mapag-usapan e kailangang gumamit ng namayapa na?”

“Alam mo, dapat talaga hindi na binanggit pa ito ni Claudine para lang patotohanan ang kanyang stand, ang kanyang choice.” pagpapatuloy nito.

Diin pa niya, “Ako, feeling ko lang Loi, for delicadeza, dapat hindi na yun binanggit pa ni Claudine kasi parang ano, makukuha ba natin yung panig ni Rico Yan sa isyung ito? Para itanong natin kay Rico Yan, through medium, ‘Rico, totoo ba yung sinasabi ni Claudine?'”

“Porke hindi na natin makakausap si Rico Yan, iko-quote natin yung isang namayapa na. Ni hindi natin alam kung sinabi ba niya [na] yun talaga ang katotohanan?”

Ibinuking din ni Ogie na minsan umano ay naglalabas ng pahayag si Claudine na taliwas ang kanyang sinasabi sa 'kabanggaan' niya sa mga ilang pagkakataong nagkakaroon ito ng isyu. 

“Kaya itong kay Rico Yan, maling mali talaga yung ginawa ni Claudine. Sana hindi na niya ginamit si Rico Yan.” diin niya pa.

Thursday, April 14, 2022

Zanjoe, may reaksyon sa napapabalitang girlfriend ng kaibigang si Joshua Garcia

- Nagbahagi ng kaniyang reaksyon si Zanjoe Marudo patungkol sa rumored girlfriend ni Joshua Garcia

- Kasama kasi si Zanjoe ng mag beach trip silang magkakaibigan, kasama sina Joshua at Trina

- Isiniwalat nitong masaya silang lahat ng mag beach trip sila

Hiningan ng reaksyon ng Star Magic Inside News ang aktor na si Zanjoe Marudo tungkol sa viral photo ng kanyang malapit na kaibigan at kapwa aktor na si Joshua Garcia kasama ang umano'y rumored girlfriend nito, ang basketball player na si Trina Guytingco.

Kasama ni Zanjoe ang dalawa at ang iba pa nilang kaibigan sa kanilang beach trip kamakailan.

"Nag-viral 'yung photo. Kasi alam mo naman si Joshua ang haba ng pila diyan eh. Ang daming may gusto, ang daming may crush, ang daming umiidolo. So aabangan talaga ng tao kung sino ang magpapatibok ng puso ni Joshua, hindi ba?" pag-amin niya.

"Pero, well hindi natin alam. Pero as far as I know, masaya kaming magkakasama, magkakaibigan lahat."

IG / Trina Guytingco

Hindi man nito kinumpirma o itinanggi ang mga tsismis, ayon kay Zanjoe ay bagay naman sina Joshua at Trina.

"Well tingnan natin. Bagay sila, kung ako ang tatanungin," ani ng aktor.

IG / Joshua Garcia

Noong nakaraang linggo, tila tinukso ni Trina ang mga netizen sa pamamagitan ng pagtawag ng "rumored boyfriend" kay Joshua Garcia.

Ito ay matapos magkomento si Joshua sa kanyang recent Instagram post kung saan naglabas siya ng ilang snaps ng kanilang beach trip.

Si Trina Guytingco, na lumaki sa California, ay kabilang sa matalik na kaibigan ni Kathryn Bernardo.

Lumipad siya sa Pilipinas noong 2015 para sumali sa women’s basketball team ng Ateneo.

Wednesday, April 13, 2022

John Arcilla, may hamon sa mga BBM at Leni supporters: “patunayan ninyo na...”

- May mensahe ang aktor na si John Arcilla sa mga tagasuporta ng mga presidential candidates na sina Bongbong Marcos at VP Leni Robredo

- Hinamon niya ang dalawang kampo na i-'follow' ng mga ito ang mga legit pages ng kabilang panig upang magkaintindihan

- Hinikayat rin niya ang publiko na bumoto base sa mga kwalipikasyon at track record ng mga tumatakbong kandidato

Naglabas ng saloobin ang Kapamilya star na si John Arcilla ukol sa mainit-init na tapatang nagaganap sa pagitan ng mga tagasuporta nina Vice President Leni Robredo at Bongbong Marcos. 

Tila napansin na ni John Arcilla ang mga salpukan at awayan ng mga ito kaya naman naglabas ito ng kanyang hamon laban sa mga Kakampinks at BBM Supporters. 

Sa kanyang official Facebook account ay naghain ito ng isang mahabang komento hinggil sa Halalan 2022. Kabilang na nga rito ang pangangaral niya sa ilang mga tagasuporta na hindi naman dapat kailangan awayin ang isa't-isa. 

Walang caption ngunit ang malaman lang niyang pahayag ang makikita sa naturang post. 

“Eto challenge ko sa mga Kakampinks, mag follow kayo ng isang legit na BBM account para maintindihan niyo sila.

 “Sa mga BBM followers, mag follow kayo ng account ng programa ni Robredo at patunayan ninyo na hindi kayo bias at ayaw ninyo ng siraan,” hamon nito sa magkabilang panig.


Tuesday, April 12, 2022

Toni Gonzaga na tsinugi!, KC Concepcion papalit para maging lead actress sa isang New York film

- Papalitan na ni KC Concepcion si Toni Gonzaga sa isang New York film

- May titulo itong Asian Persuasion

- Makakasama ni KC ang ilang kilalang Filipino-American actors and actresses

Kabilang na sa cast ng romantic comedy film na “Asian Persuasion,” na naka-set sa New York, bilang kapalit ng dating inanunsyo na aktres na si Toni Gonzaga sa lead role.

Ayon sa eksklusibong ulat ng Variety kahapon, Abril 12, magiging katambal ni KC sa pelikula ang Filipino-American Hollywood actor na si Dante Basco. Kasama rin sa lead cast sina Kevin Kreider, Paolo Montalban, Scarlett Sher, Celia Au, Geneva Carr at Jax Bacani.

Samantala, sina Yam Concepcion, Rachel Alejandro at Tony Labrusca ay kabilang sa mga tampok na aktor sa pelikula, kasama sina Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas, Janice Sonia Lee, Ami Sheth, Fe Delos Reyes, Joyce Keokham, Rex Navarrete, Imani Hanson at Devin Ilaw.

'from Variety's article'

Inanunsyo si Toni Gonzaga na magiging bahagi siya ng pelikula noong Hulyo noong nakaraang taon, ngunit iniwan niya ang produksyon dahil sa "schedule conflicts.

Nagpahayag ng pananabik si KC Concepcion sa proyekto, na tinawag niyang “new journey,” sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ngayong araw, April 13.

Thank you for joining us on this new journey. Grateful to be part of this Asian-American project, with our amazing cast [and] crew,” aniya.

Ang “Asian Persuasion” ay iikot sa kuwento ng isang chef na gumawa ng isang pakana upang makapagpangasawa muli ang kanyang dating asawa upang maiwasan niyang bayaran ang kanyang mga obligasyon sa sustento, ngunit huli niyang napagtanto na gusto niyang magkaroon ng pangalawang pagkakataon sa kanyang dating asawa.

Ang pelikula ay idinirehe ng Tony Award-winning producer na si Jhett Tolentino. Ito ay isinulat ni Mike Ang, na nagsisilbi rin bilang producer kasama si Tolentino.

Nagsimula na ang pagshoot para sa pelikula kahapon sa New York.

Lolit Solis, sinabihang "cute" ang PieDu dahil sa relasyon nila kahit may edad na; Forever na?

- Muling nagtungo si Lolit Solis sa Instagram upang ibahagi na may "kilig factor" pa rin sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache

- Nasabi rin niya na ang mga sweet photos ng PieDu ay talaga namang "cute" 

- Binanggit naman niyang sana raw ay pang-forever na ang relasyon nina Edu at Cherry Pie

Naglabas ng reaksyon ang entertainment host at showbiz manager na si Lolit Solis sa Instagram upang bigyan ng komento ang relasyon ng magkasintahang Edu Manzano at Cherry Pie Picache na mas kilala sa 'PieDu'.

Nabanggit ni Lolit kung gaano ka-'cute' ang dalawa at may "kilig factor" pa rin sa pagitan nito.

"Sweet naman mga photos nila Edu Manzano at Cherry Pie Picache, Salve. Talagang may kilig factor parin ang dalawa kahit pa nga hindi na mga teeners," pagsisimula ni Lolit.

Aniya, 'cute' sila dahil nagawa nilang makahanap ng mga partner kahit na sila'y may edad na. 

"Cute naman kasi na makita na sa edad nila nakakita parin sila ng partner na hinahanap nila. Siguro naman pang forever na ang relasyon nila at sana they grow old together happily. 

"Isa sa pinaka-friendly star si Edu Manzano kaya naman marami ang natutuwa na makita na happy siya with Cherry Pie na isa rin sa may magandang PR among our stars," dagdag pa niya.

Idinugtong pa nga niya ang "Happy together, sana forever, Edu Manzano at Cherry Pie Picache, bongga." sa kanyang caption.

Christophe Bariou, hindi alam na sikat na aktres si Nadine; Walang balak na itago ang relasyon?

- Ibinahagi ni Nadine Lustre na walang kaalam-alam noon ang kanyang boyfriend na si Christophe Bariou na isa pala siyang sikat na aktres sa Pilipinas

- Ayon din sa kanya, mayroon daw silang "common interests" kaya naman halatang-halata ang pagmamahal nila sa kalikasan at kapaligiran
 
- Wala naman daw silang balak ni Christophe na itago ang kanilang relasyon at tila naka-move on na sa hiwalayan nila ni James noong 2020

May chika ang Kapamilya star na si Nadine Lustre tungkol sa kanyang boyfriend na si Christophe Bariou na isang French-Filipino entrepreneur sa panayam sa kanya ng Monster RX93.1.

Matatandaang napabalita na noong August na ipinagpalit na umano ni Nadine ang ex-boyfriend niyang si James Reid taong 2021. January 2022 naman kinumpirma ni Nadine na may bago na nga siyang karelasyon.

Kwento ni Nadine sa nasabing panayam, wala raw talagang malay si Christophe na isa siyang artista dito sa Pilipinas. Dahil may pagka-ignorante umano ito kaya wala siyang kaalam-alam.

“He’s so ignorant when it comes to that so he doesn’t know anything. He didn’t know who I was,” ani Nadine.

“When I got back from Siargao, after that trip, he flew to Manila and that’s when we really like started hanging out.

“We just never stopped talking and I think that’s one of the things that I love about our dynamics.

“We always have something to talk about. It’s funny how in sync we are. We like the same things. We’re like two peas in a pod.

“We talk about a lot of stupid stuff. He loves memes, I love memes. He likes watching funny videos, I love watching funny videos. I learn a lot from him and with him it’s just always fun hanging out with him,” diin pa ng aktres.

Sa kabila ng nakakatuwang pahayag niya sa kanyang boyfriend, nilinaw din nito na wala naman silang balak na itago sa publiko ang kanilang relasyon. Alam din naman daw ng kanilang pamilya ang kanilang pag-iibigan.

“We’re always hanging out. People are always taking photos. I mean, it’s understandable because they’ve never seen me with someone else.

“So it’s kind of weird that I’m hanging out with this other dude so I get it. There’s really no intention of hiding it in the first place,” saad pa niya.

Monday, April 11, 2022

Cristy Fermin, may nasabi sa itsura ni Angel Aquino: “Sobra, lalake, tibo...”

- May komento ang kilalang kolumnistang si Cristy Fermin sa Kapamilya actress na si Angel Aquino

- Sinabi nitong mapa-lalaki't tibo ay talagang hahanga sa sa ganda ni Angel

- Bukod sa pagiging maganda, nabanggit rin nila na may respeto ang aktres at may katalinuhan din

Ipinag-diinan ng showbiz columnist at host na si Cristy Fermin na may kagandahan talaga ang Kapamilya actress na si Angel Aquino na napapanood gabi-gabi sa 'FPJ's Ang Probinsyano'.

Nabanggit din nina Cristy Fermin, Rommel Chika, at Morly Alino ang pangalan ni Angel Aquino na nagkakaroon ng chismis umano na siya ay parte ng malaking community ng LGBT.

Pinuri naman ni Romel si Angel dahil sa itsura nito at sinang-ayunan naman agad ito ni Morly sa kanilang YouTube channel na “Showbiz Now Na!”.

"Napakaganda nito," sabi ni Romel

 "Ang ganda ng mukha." sagot naman ni Morly.

"Sobra, lalake, tibo... Ang ganda naman kasi ni Angel Aquino. Parang ang sarap niyang mahalin," ang sabi naman ng host na si Cristy Fermin.

Bukod sa pagkakaroon ng kagandahan, marespeto at matalino daw ang aktres kaya naman masarap itong kapanayam. Gabi-gabi naman siya napapanood sa Kapamilya sa 'FPJ's Ang Probinsyano' kasama sina Coco Martin, Julia Montes, at Sharon Cuneta.

Sunday, April 10, 2022

Rita Avila, pinaparinggan 'di-umano ang supporters ni BBM; Pinangaralan ang mga anti-Leni

- May patama ang kilalang aktres na si Rita Avila sa mga anti-Leni na nagsasabing laos na umano ang mga artistang sumusuporta sa Leni-Kiko

- Hindi naman sinabi ng direkta ng aktres kung sinu-sino ang mga binabanatan niya ngunit base sa netizens ang mga loyalists ito ni Bongbong Marcos

- Diniin rin niyang may karapatan silang mga artista na pumili ng mga iboboto dahil mga Filipino rin naman sila

Habang papalapit na nang papalapit ang Halalan 2022, kanya-kanyang isip na ang mga kanya-kanyang supporters ng mga presidential candidates upang iparinig sa daigdig kung bakit nila iboboto sina Vice President Leni Robredo at Bongbong Marcos. 

Ang dalawa kasing ito ang pinakamaingay sa social media pagdating sa mga fans kaya naman kung minsan ay nagsasalpukan ang mga 'Kakampinks' at 'Apologists' kung sino nga ba talaga ang mas karapat-dapat na maupo sa pwesto.

Bilang Pilipino, nagvo-volunteer na rin ang mga tao na sumama sa mga campaign rallies ng mga kandidato kabilang na ang mga artista na dumadalo sa Leni-Kiko tandem. Habang sa ibang presidentiables naman ay may kumakalat na 'bayad' umano ang mga artista nila.

Marami pa rin sa ngayon ang mga trolls at mga haters na namimintas partikular na kay VP Leni Robredo. Tila lagi nitong tinitira, binababa, at sinasabihan ng kung anu-ano kasama na ang mga supporters nito.

Kaya naman hindi na nagpapigil ang beteranong aktres na si Rita Avila na banatan ang mga taong nagsasabi ng hindi magaganda sa mga artista na nagpapakita ng suporta kay VP Leni at Sen. Kiko. 

Nito lang April 8 ay sinagot na nito ang mga bashers sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang Instagram. Simula niya, “Lahat na lang ng kakampink na artista o singer ay sinabihan ng LAOS.

“Mas laos ang mga nagpa follow sa min o nagpupunta sa socmed account namin para mamintas lang. Kaya namin yan. Kasama sa trabaho namin yan eh,” ani Rita.

“Besides, sumusuporta kami bilang FILIPINO CITIZENS, para sa buhay nating lahat lalo na yung nasa laylayan.

“Wala ng arti-artista dito. Bilang TAO katulad nyo ay gusto din namin ng maayos na pamumuhay para sa LAHAT ng Pilipino. Kasama kayo.

“P.S. Kayo na ang SIKAT, ako ay simpleng tao lamang,” hirit pa niya.

Mayroon naman siyang naunang Instagram post na patama rin sa mga nambibintang sa kanila na 'laos' na umano sila.

“Yung mga nagbibintang ng LAOS, they measure us (actors/singers/performers) the way they think we have to be measured; but it is not always how we measure ourselves.

“Sorry pero hindi lahat ay hanap ang maging SIKAT. Kahinaan ng isang tao ang gusto laging maging MALAKI sa mata ng mga tao.

“FAME? Masarap na mahirap yan. May sakripisyong kasama yan. Pwedeng mawala ang tunay na pagkatao mo. Nakakalunod. Minsan, di naman ganun kasaya.

“Pero kung marunong kang umahon at i-salba ang true persona mo, panalo ka,” diin niya.

“INSTANT GRATIFICATION? Ung dami ng fans? Lakas ng tili? Dami ng followers at likes sa socmed?

“Isama na natin ang INSTANT PERA na bayad para umattend kayo ng rallies o para iboto ang isang politiko? Parang ang SAYA ano?

“LUMILIPAS lahat yan. Sa huli, ang tunay na kaligayahan ay manggagaling sa kapayapaan ng kalooban dahil nakatuntong ka sa lupa, nagmamahal at minamahal, tumanda na napagbuti ang sarili sa mga pinagdaanan.”

“Magnilay mga kapatid at anak kong Pilipino. Sa eleksyong ito, hawak mo ang sarili mo. Ikaw ang maghuhubog kung ano ka na pagkatapos ng mga naging pagsubok sa iyo,” dagdag na pahayag pa niya gamit ang mga hashtags na #election2022 #fame #sikat #instantgratification at #persona.

Regine, nagplanong tumigil sa pagkanta dahil sa isang dahilan: “time for me to stop”

- Binigyan ng payo ni Regine ang TNT Boys na sumasailalim ngayon sa pagbabago ng boses gawa ng pagpu-puberty

- Ibinahagi ng Songbird ang naging karanasan niya kasama ang TNT Boys sa world tour ng ASAP

- Inamin ni Regine Velasquez na nagbalak umano siya na tumigil sa pagkanta dahil sa nangyari sa kanya matapos isilang ang kanyang unico ijo

May ibinulgar ang Kapamilya star at Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa panayam sa kanya ng mga momshies sa Kapamilya morning talk show na 'Magandang Buhay' sa isang episode nito kamakailan. 

Sa kabila nito, pinayuhan din niya ang sikat na trio ng Kapamilya–ang TNT Boys. Marami kasing nakapansin na tila nagbabago na raw ang timbre ng boses ng tatlo dahil sa kanilang nararanasan na normal sa mga teenagers na sumasailalim sa puberty.

Kilala ang grupong 'TNT Boys' na may tatlong miyembro: sina Francis Empuerto, Keifer Sanchez at Mackie Empuerto. Naging instant hit pa nga sila nang sumalang sila sa entablado at naging finalists pa ng 'Tawag Ng Tanghalan' sa 'It's Showtime' taong 2017.

Ito na ang simula ng 'journey' ng tatlo upang makilala pa hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo. Lumabas na rin sila sa mga international shows at nakasama pa sa programa ni James Corden noong 2019.

Habang tumatagal, hindi maiiwasan ang paglaki kaya naman kasamang nag-iiba ang kani-kanilang mga ginintuang boses. 

Dito na ibinahagi ng Asia's Songbird ang kanyang karanasan kasama ang TNT Boys sa Rome Italy noong October 2019 para sa ASAP Natin 'To tour. 

“’Yung last memory ko of these boys was when we went to Rome. Hindi ko nasabi na noong nandoon kami sa Rome, they were having such a hard time.

“Kasi nga nagbabago na yong mga boses nila. They were singing the same songs, in the same key na noong mga bata pa sila. So when I saw them, para silang nalugi. Naawa ako so pinuntahan ko sila,” sabi ni Regine. 

Ang “acid reflux” din umano ang nakaapekto sa kanyang boses matapos ipanganak ang kanyang unico ijo na isa sa nag-udyok sa kanya na mag-planong tumigil na sa pagkanta. 

“Ang sinabi ko sa kanila noon, kailangan niyong i-accept kung ano yung magiging sound niyo. Kasi mahirap na yung isip mo nandun ka pa sa bata ka pero iba na yung naririnig mo. Kaya ko yun sinasabi kasi that happened to me. In my case, medyo after I gave birth,” pagpapatuloy nito. 

“Umiiyak ako sa asawa ko and I was telling him, ‘Maybe it’s time for me to stop. 

“May ganoon kasi alam mo yung tunog mo eh. I felt the need to let these boys know na okay lang ‘yan. Talagang it will change. Your voice will change and it will keep on changing,” aniya.

Saturday, April 9, 2022

John Lloyd, pinaasa umano si Angelica Panganiban; Cristy Fermin, nagsalita

- Isa si Angelica Panganiban sa mga paksa ng kolumnistang si Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” online show nito

- Napag-usapan rin nila sa show ang mga nagdaang relationships ng buntis na aktres

- Pinaasa umano ni John Lloyd si Angelica Panganiban na sila pa rin base sa komento ni Cristy Fermin

Napag-usapan ng beteranong kolumnistang si Cristy Fermin kasama ang mga co-hosts nitong sina Romel Chika at Morly Alinio sa “Showbiz Now Na!” online show nila ang Kapamilya star na si Angelica Panganiban.

Nabanggit rin ni Cristy na tila pinapaasa lang ni John Lloyd si Angelica noon na may namamagitan pa sa kanilang relasyon.

“Kasi pala, parang pinaasa siya ni Lloydie, na sila pa rin. Na maghihintayan lang. So umasa naman si Angelica na sila pa rin talaga ni Lloydie,” ani Cristy.

“E meron na palang Ellen Adarna. 'Di ba napakasakit no'n? May Ellen Adarna na pala siya at siya (Angelica) naman ay wala na, naigarahe na lang basta.” dagdag pa nito.

Samantala, nitong mga nagdaang buwan ay napabalitang wala na si Angelica sa cast ng upcoming comedy program ng ABS-CBN na “My Papa Pi,” kung saan pumalit naman bilang leading lady ni Piolo Pascual ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

Sa naganap na ABS-CBN Christmas Special noong nakaraang taon ay dalawang proyekto ang inanunsiyong pagbibidahan sana ng premyadong aktres para ngayong taong 2022, kabilang ang ‘My Papa Pi” at “The Goodbye Girl”.

Friday, April 8, 2022

Madam Inutz ibinahagi kung paano siya nagkaroon ng 147k sa GCash: "Tapos ang ginawa ng pamangkin ko..."

- Ibinahagi ni Madam Inutz sa 'Magandang Buhay' kung paano umano siya umani ng 147k sa kanyang e-wallet na GCash

- Nagbiro rin ito sa kanyang pagla-live selling noon dahil puro pa-'shout out' lang daw ang ginagawa ng ilan kaya naman wala itong benta

- Minsan nga raw ay sinasabihan na siya ng netizens na huwag na umanong magbenta at i-pin nalang ang kanyang GCash number sa comment section

Nagbalik-tanaw ang internet sensation na si Madam Inutz sa kanyang dating buhay nang maibahagi niya ang kanyang 'di malilimutang experience bilang isang live seller sa Kapamilya morning talk show na "Magandang Buhay".

Bago siya pinagkatuwaan bilang "MAMAbentang online seller ng Cavite" sa 'Pinoy BIg Brother', nauna munang nag-viral ang kanyang mga nakakatawang live selling sa kanyang Facebook page. 

Ngunit hindi naman daw niya alam na nakakatuwa pala sa iba kung paano siya magsalita. Tila mas marami pa nga raw ang mga tumatambay sa kanyang live kaysa mag-'mine' ng mga paninda.

“Hindi ko nga po alam na yung way ng pagsasalita ko, marami palang natutuwa. Pero hindi nila alam ako’y di natutuwa kasi wala akong benta” natatawang sabi ni Madam Inutz.

Mukhang 'shoutout' nga lang ang ambag ng mga viewers ni Madam Inutz dahil wala umanong gustong mag-mine at puro 'pamura' lang ang dahilan ng kanilang panonood.

 “Walang mine. Puro pamura lang talaga,” aniya.

Minsan din ay napansin nina Madam Inutz na may mga nagco-comment na huwag na raw siyang magtinda at sa halip ay i-pin nalang umano niya ang kanyang GCash number.

“Sinasabi nila, andami kong nakikitang comment na, ‘Madam, huwag ka nang magtinda, i-pin mo na lang yung Gcash number,” pagkukuwento niya.

“And then, siyempre ako naman as a naghahanapbuhay, ayoko nang umasa sa ibang tao, na aasa ka sa mga bigay. Paghirapan mo bawat sentimo.

“Tapos ang ginawa ng pamangkin ko, siyempre nakita niya ilang oras ako nagla-live wala talaga akong benta. Pinin niya yung Gcash,” dagdag niya pa.

“And then kinabukasan, paggising ko, umabot ng PHP137,000 yung Gcash,” laking gulat ni Madam Inutz nang magising ito isang araw.

Samantala, mapapanood naman si Madam Inutz sa Kapamilya sitcom na "My Papa Pi" kasama ang mga Kapamilya stars na sina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach.