- May patama ang kilalang aktres na si Rita Avila sa mga anti-Leni na nagsasabing laos na umano ang mga artistang sumusuporta sa Leni-Kiko
- Hindi naman sinabi ng direkta ng aktres kung sinu-sino ang mga binabanatan niya ngunit base sa netizens ang mga loyalists ito ni Bongbong Marcos
- Diniin rin niyang may karapatan silang mga artista na pumili ng mga iboboto dahil mga Filipino rin naman sila
Habang papalapit na nang papalapit ang Halalan 2022, kanya-kanyang isip na ang mga kanya-kanyang supporters ng mga presidential candidates upang iparinig sa daigdig kung bakit nila iboboto sina Vice President Leni Robredo at Bongbong Marcos.
Ang dalawa kasing ito ang pinakamaingay sa social media pagdating sa mga fans kaya naman kung minsan ay nagsasalpukan ang mga 'Kakampinks' at 'Apologists' kung sino nga ba talaga ang mas karapat-dapat na maupo sa pwesto.
Bilang Pilipino, nagvo-volunteer na rin ang mga tao na sumama sa mga campaign rallies ng mga kandidato kabilang na ang mga artista na dumadalo sa Leni-Kiko tandem. Habang sa ibang presidentiables naman ay may kumakalat na 'bayad' umano ang mga artista nila.
Marami pa rin sa ngayon ang mga trolls at mga haters na namimintas partikular na kay VP Leni Robredo. Tila lagi nitong tinitira, binababa, at sinasabihan ng kung anu-ano kasama na ang mga supporters nito.
Kaya naman hindi na nagpapigil ang beteranong aktres na si Rita Avila na banatan ang mga taong nagsasabi ng hindi magaganda sa mga artista na nagpapakita ng suporta kay VP Leni at Sen. Kiko.
Nito lang April 8 ay sinagot na nito ang mga bashers sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang Instagram. Simula niya, “Lahat na lang ng kakampink na artista o singer ay sinabihan ng LAOS.
“Mas laos ang mga nagpa follow sa min o nagpupunta sa socmed account namin para mamintas lang. Kaya namin yan. Kasama sa trabaho namin yan eh,” ani Rita.
“Besides, sumusuporta kami bilang FILIPINO CITIZENS, para sa buhay nating lahat lalo na yung nasa laylayan.
“Wala ng arti-artista dito. Bilang TAO katulad nyo ay gusto din namin ng maayos na pamumuhay para sa LAHAT ng Pilipino. Kasama kayo.
“P.S. Kayo na ang SIKAT, ako ay simpleng tao lamang,” hirit pa niya.
Mayroon naman siyang naunang Instagram post na patama rin sa mga nambibintang sa kanila na 'laos' na umano sila.
“Yung mga nagbibintang ng LAOS, they measure us (actors/singers/performers) the way they think we have to be measured; but it is not always how we measure ourselves.
“Sorry pero hindi lahat ay hanap ang maging SIKAT. Kahinaan ng isang tao ang gusto laging maging MALAKI sa mata ng mga tao.
“FAME? Masarap na mahirap yan. May sakripisyong kasama yan. Pwedeng mawala ang tunay na pagkatao mo. Nakakalunod. Minsan, di naman ganun kasaya.
“Pero kung marunong kang umahon at i-salba ang true persona mo, panalo ka,” diin niya.
“INSTANT GRATIFICATION? Ung dami ng fans? Lakas ng tili? Dami ng followers at likes sa socmed?
“Isama na natin ang INSTANT PERA na bayad para umattend kayo ng rallies o para iboto ang isang politiko? Parang ang SAYA ano?
“LUMILIPAS lahat yan. Sa huli, ang tunay na kaligayahan ay manggagaling sa kapayapaan ng kalooban dahil nakatuntong ka sa lupa, nagmamahal at minamahal, tumanda na napagbuti ang sarili sa mga pinagdaanan.”
“Magnilay mga kapatid at anak kong Pilipino. Sa eleksyong ito, hawak mo ang sarili mo. Ikaw ang maghuhubog kung ano ka na pagkatapos ng mga naging pagsubok sa iyo,” dagdag na pahayag pa niya gamit ang mga hashtags na #election2022 #fame #sikat #instantgratification at #persona.
EmoticonEmoticon