Thursday, September 3, 2020

Silipin ang Napakagandang 'Tiny House' sa Cavite na Naipatayo ng Isang Couple sa Halagang Php 280,000




Marami nga sa ating ang nagnanais na magkaroon ng sariling bahay. Ngunit, dahil na rin sa kawalan ng budget sa pagpapagawa o kaya naman ay walang loteng pagtatayuan ay hindi natin ito naisasakatuparan. Isang nakakainspire na kwento ang hatid ng couple na sina AB Magtulis at Hazel Garcia matapos makapagpatayo ng isang maliit ngunit napakagandang bahay. Pinatunayan nga ng couple na ito na hindi kinakailangang magkaroon ng malawak  na lote o espasyo upang makapagpatayo ng napakagandang bahay.


Ang couple na sina AB at Hazel ay nais magkaroon ng isang komportableng lugar kung saan maaring silang makapagtrabaho sa loob ng tahanan. Ngunit, sa halip mangupahan sa condo sa syudad, mas pinili ng dalawa na magpatayo na lamang ng bahay na kalapit lamang ng bahay nina Hazel sa probinsya ng Cavite upang makatipid. At ito nga ay tinawag nilang “Tiny House” na may floor area na 6sqm. Pinatunayan nga ng couple na hindi hadlang ang maliit na espasyo upang makapagpatayo ng dream house. 







Sa panayam ng Real Living sa couple, ibinahagi nila ang kwento sa likod ng napakagandang tiny house na nabuo nila sa halagang 280,000.00 at ang mas nakakabilib pa sa tiny house na ito ay may dalawang palapag at may sariling rooftop kung saan masisilayan ang magandang tanawin. Maliit man ang espasyo ay saktong-sakto naman ito para sa kanilang dalawa at nakakarelax ring magtrabaho habang nasa loob ng munting bahay. Sina AB at Hazel mismo ang nag-isip ng magiging konsepto at disenyo ng kanilang tiny house. 


Sa labas pa lang ay masisilayan na ang ganda nito. Ang disenyo ay bumagay sa kapaligiran nito dahil sa kulay luntiang Pintura na ginamit rito. Kahanga-hanga rin dahil may munting landscape sa harapang bahagi na nakakadagdag ng kagandahan at disenyo nito. Talaga naming nakakahanga ang Tiny House nina Hazel at AB, maliit man ay napakaganda naman nito at kumportable sa loob. 


EmoticonEmoticon