Photo Credit: Facebook/ Jirah Nicolas |
Likas na kapuri-puri ang mga taong masisipag at may determinasyon sa buhay. Hindi kasi nagiging hadlang kung ano man ang kanilang katayuan, upang hindi magampanan ang iba nilang mga tungkulin.
Isang service crew ng sikat na fastfood chain na Jollibee ang nag-viral dahil sa kanyang kasipagan hindi lamang sa trabaho kung hindi pati na rin sa kanyang pag-aaral. Bukod sa kailangan niyang magpokus sa kanyang trabaho para kumita ng pera ay pinagkakasya niya ang kanyang maiksing break upang maka-attend sa kanilang online class.
Ibinahagi ng netizen na si Tristan Nodalo ang graduating student na ito na nakilala bilang si Jan Dominique Agravante. Makikita na habang naka-break ang service crew sa kanyang trabaho ay ginagamit niya ang kanyang oras upang maka sali sa online class.
Photo Credit: Facebook/ Jirah Nicolas |
Business Administration Major in Marketing Management ang kinukuhang kurso ni Agravante sa Pamantasan ng Lungson ng Marikina. At simula noong taong 2016 ay isa na siyang working student upang masuportahan ang kanyang pag-aaral at para na rin makatulong sa kanyang mga magulang na kumita ng extra income kaya niya pinasok ang pagiging isang service crew sa Jollibee.
Bukod sa pagsubok na hinaharap natin sa pandemya, ay mas naging pabor naman kay Jan ang pagkakaroon ng online class dahil mas napapagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho. Kung noon ay kailangan niyang magmadali mula sa kanyang pinagtatrabahuhan patungo sa kanilang eskwela, mas napadali ngayon ang kanyang pag-aaral dahil sa online classes.
Kung mayroon siyang schedule sa online class ay magbe-break muna siya sa kanyang trabaho upang maka-attend nito.
Wika ng isang ka-trabaho ni Jan na nakaka-inspire siya dahil sa kanyang kasipagan.
"Every time na umaattend ka ng online class na naka uniform ka, sobra kaming ginanahang mag tropa. Sobrang nakaka proud kasi kahit walang maayos na table and internet connection gumagawa ka pa rin ng way."
Photo Credit: Facebook/ Jirah Nicolas |
Hindi baleng nakaupo lamang siya sa sahig ng stock room at walang maayos na mesa ay gumagawa pa rin siya ng paraan para maka-attend sa kanyang pag-aaral.
Komento ng ilang mga netizen,
"Wala talagang makakapigil sa masipag!"
"Salute! Hope you'll become successful in the future. Keep it up!"
"You go girl! An inspiration! God bless you always!"
Source: Facebook
EmoticonEmoticon