Thursday, September 10, 2020

Bumuhos Ang Tulong Sa Isang Ama Na Nakikipag-barter Ng Mga Alagang Manok Para Sa Cellphone Na Gagamitin Ng Anak Sa Online Class

Tags



Photo Credit: Facebook/Lemur Enriquez


Dahil sa hindi pa rin natatapos ang pandemya, magbabago ang paraan ng pag-aaral ng mga kabataan. Kung noon ay kailangan nilang pumasok sa paaralan, ngayon ay ang paraang online class at modular learning ang gagamitin. 

Subalit isa ito sa mga nagiging problema ng karamihan sa mga magulang dahil ang kanilang mga anak ay walang gagamiting gadget para sa kanilang online class. Kaya naman ang ilan ay naghahanap ng ibang paraan na mapagkakakitaan para lang makabili ng gadget na gagamitin ng kanilang mga anak sa pag-aaral.
Photo Credit: Facebook/Lemur Enriquez

Ang ama na taga Naga City, Camarines Sur na si Rommel A. Enriquez ay nauwi sa pagpopost sa isang Facebook group na Naga City's barter community na kung saan nakikipag-barter sana siya sa kanyang tatlong alagang manok para sa second hand na android cellphone na gagamitin ng kanyang 4 na anak sa pag-aaral.

"For barter po:
Take all
RFB: NEED PO NG ANAK ANDROID PHONE FOR ONLINE CLASS KAHIT PO SECOND HAND
Pick up lang po at zone 3 carolina naga city wala po kc pamasahe for meetup."

Ang kanyang 4 na anak ay nag-aaral sa Carolina Elementary School at Carolina National High School. Kahit na modular distance learning ang gagamitin ng mga bata sa pag-aaral, kakailanganin pa rin ng mga bata ang cellphone upang makipag-coordinate at makipagkomunikasyon sa kanilang mga guro.
Photo Credit: Facebook

Dagdag ng ama,

"Modular po ang gagamitin ng school, ngunit kailangan pa rin ang cellphone sa mga quizzes or exams at sa ibang subjects. Naaawa rin po kasi ako sa mga anak ko kung wala silang magagamit sa pakikipag-komunikasyon sa kanilang mga guro. Nagsasalit-salitan po kami upang makakonek sila sa group chat ng bawat grade section sa phone ko, anim po na account ang ginagamit."

Sa pagbabakasakali na mayroong makipag-barter sa kanya, ay di niya lubos naisip na bumuhos ang tulong ng mga netizens sa kanya. Mayroon pang netizen na nagpadala na ng android phone na may kasamang LTE sim na hindi humingi ng kapalit. Ang ilang mga netizens ay nagbigay rin ng cash donations sa pamamagitan ng Gcash account ni Tatay Rommel.

Sa bandang huli ay nakatanggap ng 2 unit ng cellphone si Tatay Rommel na pwede nang magamit ng kanyang 4 na anak.


EmoticonEmoticon