Photo Credit: Facebook/Abi Araullo Intia |
Kung marami sa mga paninda ngayon ang nagtaas dulot ng pandemya, mayroon namang mga magsasaka na nagkaroon ng sobra sobrang ani ng mga prutas at gulay dahil hindi na nila ito maibenta. Kung kaya't ang ilan ay itinatapon na lamang ang mga ito.
Marami ang magsasabi na sayang dahil marami pa sana ang makikinabang. Kaya naman ang isang magsasaka na ito ay natagpuang nagtitinda ng bagsak presyong mga naka-pack na iba't ibang gulay sa may Pampanga, sa Lanang sa Davao City sa harap ng Dusit Thani.
Photo Credit: Facebook/Abi Araullo Intia |
Bahagi ng netizen na si Abi Araullo Intia sa isang Facebook post,
"Grabe ka sulit sa 100 pesos. Kompleto na ang pang pakbet and chopsuey ninyo.
Fresh from Kapatagan farm ingon si Kuya.
Every hapon sila naga pwesto sa Pampanga, fronting Dusit Thani Lanang Davao City.
#SupportLocal"
Naibahagi niya ito nang makabili ng gulay sa nasabing tindero na nakilala bilang si Tatay Crizaldo. Kung isang daang piso lang ang iyong budget ay tiyak na swak na swak na ang paninda ni kuya dahil marami ka ng mailuluto rito.
Ang kada balot ay naglalaman ng iba't ibang klaseng gulay. Mayroong talong, ampalaya, okra, sayote, upo, kalabasa, pipino, cauliflower, repolyo at iba pa. Dahil sa pagkamangha dahil sa sobrang bagsak presyong paninda ni kuya ay ibinahagi ito ni Abi sa social media.
Photo Credit: Facebook/Abi Araullo Intia |
Nag-viral naman ang post niya at mas maraming mga netizens pa ang bumili sa panindang gulay ni Tatay Crizaldo. Sa mga sumunod na post ay hindi daw sukat akalain ni Abi na magvi-viral ang kanyang post at kahit sa maliit na paraan ay nakatulong pa siya sa tindero dahil marami ang dumayo para bumili ng murang gulay.
Photo Credit: Facebook/Abi Araullo Intia |
"Another reason to be happy today!
Salamat po sa lahat ng bumili kina Kuya Crizaldo and Ate Jasmin...
Sold out wala pa 6pm
Sarap sa feeling ang makatulong kahit papaano.
Naa daw gihapon sila ugma harap sa Dusit Thani hotel."
Source: Facebook
EmoticonEmoticon