Photo Credit: Natalie dela Cruz/ Facebook |
Ngayong panahon ng pandemya at bawal lumabas ng bahay, lalong pumatok ang mga online shopping at online delivery. Mas madali kasi ang paraan na ito dahil sa isang click lamang sa iyong cellphone ay door to door nang idedeliver ang kung ano man ang iyong inorder.
Ngunit kahit na gaano man ito ka-convenient, ay mayroon pa ring nananamantala at nanloloko.
Katulad na lamang ng Facebook post na naibahagi ng isang netizen na si Natalie Dela Cruz. Makikita sa mga larawan na kanyang ibinahagi ang grupo ng iba't ibang mga delivery riders na nagkukumpulan sa harap ng isang bahay sa Pilar Village sa Las Piñas City.
Photo Credit: Natalie dela Cruz/ Facebook |
Isang di kinilalang taong nagngangalang "AJ Pande" ang diumano'y gumamit ng iba't ibang contact numbers ngunit gumamit lamang ng iisang address para magpadeliver. Kung kaya't higit sa sampung delivery riders ang naloko nito gamit ang food delivery service app.
Kwento ni Natalie,
"Nakwento sa kin ng mga rider na pinick up po nila sa seller yung order ni AJ Pande. Paiba-iba yung contact number na binigay ni AJ pero same address."
Ngunit noong nagsipagdatingan na ang mga delivery riders sa nasabing address ay wala naman daw nagngangalang AJ Pande na nakatira roon sa bahay.
"Wala daw pong AJ Pande na nakatira sa (nakalagay na address). Senior ang lumalabas sa bahay na iyon."
Maliwanag na isa raw prank ang ginawa ng netizen na ito para pagkatuwaan lamang ang mga delivery riders.
Dagdag ni Natalie,
"Marami na po siyang naloko, lalo na sa page namin na BF Homesarap. Kaya super naaawa po ako sa kanila. Nagtatrabaho lang naman sila ng marangal, pati mga online sellers nabiktima niya, kasama na po ako dun. Galit ang nararamdaman namin.
Photo Credit: Natalie dela Cruz/ Facebook |
For sure, di niya real name yang AJ Pande. Pero please, itigil mo na yung mga kalokohan na ginagawa mo. Maram ka nang nabiktima. Kung may galit ka sa mga rider or sa nakatira dun sa bahay na lagi mong sinasabi, please tama na AJ."
Sana ay matigil na ang mga panlolokong ginagawa ng ibang tao katulad nito dahil bukod sa hindi na ito nakakatuwa ay nakakaabala pa sila ng kapwa.
EmoticonEmoticon