Photo Credit: Pilipinas Trending Viral/ Facebook Sa panahon ngayon, mas naging madali at convenient na ang pag-oorder ng pagkain dahil sa online. Hindi na kailangan pang lumabas para bumili, isang click lamang sa iyong cellphone gamit ang mga food service delivery apps ay agaran na itong idedeliver sa iyong bahay o location. Ngunit mayroong talagang mga pagkakataon na di maiiwasan tulad ng sobrang daming nag-oorder o di kaya ay dulot ng sama ng panahon o kaya ay traffic kung kaya't ang order ay nade-delay at hindi agad nakakarating sa paroroonan. Pero ang hindi naman yata makatarungan, ay may mga nag-oorder na sadyang maiksi ang pasensya at madaling uminit ang ulo. Katulad na lamang ng viral na babae na nakilala bilang si Mary Paras. Ayon sa Facebook post ng Pilipinas Trending Viral, ang nasabing babae ay umorder ng pagkain sa Chowking gamit ang food deliver app na Food Panda. Nasa worth 800 pesos na pagkain ang kanyang inorder, ngunit pagdating ng delivery rider sa location ay kinancel lang ito ng customer dahil natagalan daw sa pagdedeliver kaya hindi na tinanggap. Nagmakaawa ang delivery rider sa customer dahil sayang ang perang ginamit niya bilang pang-abono sa pagkaing inorder ngunit ayaw daw talaga itong tanggapin at itinapon pa sa rider ang pagkain. Kalunos-lunos ang sinapit ng rider dahil nagtiyaga itong pumila, mag-abono at makipagsapalaran sa kalsada maging na rin sa banta ng virus pagkatapos ay ganito lang pala ang kanyang sasapitin. Hindi man lang naawa ang customer sa rider pati pagkain ay nasayang lang. Sa bandang huli ay nagbigay ng paumanhin at pahayag ang nag-viral na customer. Narito ang kanyang naging paliwanag. "Good eve sa lahat ng nag comment sa Food Panda. Hindi ko po intensyon na manloko ng tao higit na sa panahon ito. Magcocoment nalang din po ako kasi nasasaktan na din ako sa mga sinasabi ng mga tao. Kayo po eh explain ko po yung nangyari noong una nag order ako pero nagloloading po at matagal yung net at data sa app, di ko po namalayan na naorder na pala iyon at nadala na pala yung order ko, noong dumating ang inorder po namin may tumawag ulit di ko nalang pinansin dahil dumating na yung order. Kung may mali po ako, nanghihingi po ako ng pasensya sa Rider, kinontak ko na po siya at handa po akong magbayad sa kanyang pinang abono at nagpapasalamat din po ako sa nagpost nito para mabigyang linaw ang lahat." Gayunpaman, kahit na nagbigay siya ng paliwanag ay hindi pa rin niya makumbinsi ang mga netizens. Dahil unang una, hindi siya dapat naging bastos sa rider at hindi niya dapat ito tinapunan ng pagkain. Source: Pilipinas Trending Viral/Facebook |
EmoticonEmoticon