Ayon nga sa isang kasabihan, "Gaano man kaliit ang iyong utang, dapat mo itong bayaran." Aminin man natin o hindi, alam naman natin na marami ng mga relasyon ang nawasak dahil sa utang. Hindi lamang nangyayari ito sa magkaibigan kundi pati na rin sa mga kamag-anak at kapamilya.
Maraming dahilan ang isang tao kung bakit siya nangungutang. Maaaring dahil ito ay mayroon siyang matinding pangangailangan, para lang sa pambili ng pansariling kagustuhan o ang iba naman ay para pantakip sa iba pa nilang pinagkakautangan.
Gayunpaman, kahanga-hanga pa rin ang mga taong marunong magbayad ng utang. Mayroon kasing ibang tao na kung sino pa ang nangutang ay sila pa ang galit kapag oras na ng singilan o kaya ay ibinabaon na lamang sa limot ang kanilang pinagkakautangan.
Labis na hinangaan ng mga netizen ang isang netizen na ito na kahit na makalipas ang limang taon na pagkakautang sa kanyang kaibigan ay kanya pa rin itong binayaran.
Ibinahagi ng Facebook user na si Atiz Sapa ang isang larawan na kung saan makikita ang isang maiksing sulat na ang nakalagay ay,
"Hi Win,
Alam kong 5 years na itong utang ko sayo pero kailangan ko pa rin bayaran kasi pinaghirapan mo yan.
Friend."
Umabot man sa pagkahaba-habang panahon bago mabayaran ang utang sa kanyang kaibigan, ang importante ay marunong siyang magbayad ng kanyang utang. Sana all, wika ng ibang mga netizens.
Dagdag ng netizen na nagbahagi ng larawan, "Hindi pa huli ang lahat. Matuto tayong magbayad ng utang. As the saying goes, Ang sikreto sa pag-asenso ay ang MAGBAYAD NG UTANG."
Mahirap ang mabaon sa utang, kung kaya't kung kaya mo naman na itong bayaran ay bayaran mo na agad kaysa lumaki pa ng lumaki. At ang pinakasimpleng sagot para hindi rin mabaon sa utang, ay huwag na lamang mangutang kung hindi naman talaga kailangan.
Ikaw, marunong ka bang magbayad ng iyong utang?
Source: Photo from Atiz Sapa/ Facebook
EmoticonEmoticon