Paano mo malalaman kung sobra na ang paggamit ng gadget ng iyong anak?
Ayon sa dalubhasa, ang pagkalulong sa gadgets ay nangyayari kapag nagdudulot ito ng problema sa bahagi ng buhay ng iyong anak. Tulad na lang sa sitwasyong na madalas ayaw kumain, mahirap utusan o hindi makausap. Bukod pa rito, senyales rin ng screen addiction ang paghawak kaagad o paghanap sa gadgets pagkasiging pa lang sa umaga. Kaya naman alamin at basahin ang sumusunod upang malaman kung ano ang mga senyales nito.
Obserbahan ang iyong anak kung nakikitaan ng ganitong sintomas dahil maaaring addiction na ito sa gadgets.
1. Kawalan ng kontrol sa sarili
Simula sa kaniyang paggising gadgets na ang gusto nitong mahawakan dahil hindi nito matagalan na hindi mahawakan at magamit ang kaniyang gadgets. Kaya naman hindi na rin nito magawang sundin ang ibinigay na takdang oras at haba sa paggamit nito.
2. Kawalan ng interes sa mga bagay bagay na hindi naaayon sa gadgets
Mapapansin na hindi nito gustong makipaglaro sa labas. Hindi rin nito gustong makisalamuha sa ibang mga bata, sa iyo at sa iba pang miyembro sa pamilya. Bagkus mas pinipili pa nitong mag-isa na lamang at gugustuhin pang kasama ang kaniyanh gadgets.
3. Madalas cellphone o gadget na lamang ang binabanggit
Habang lumalaki ang mga bata ay nagkakaroon ng bagong interes sa iba't ibang bagay. Ngunit kung mapapansin mo sa kaniyang kwento at kilos na puro lamang nakadepende sa kaniyang gadgets ay maaaring senyales na ito ng addiction.
4. Nagiging matigas na ang ulo
Nahihirapan ka bang utusan at kausapin ang iyong anak habang hawak ang kaniyang gadgets? Kung oo ang iyong sagot, maaaring senyales na ito ng screen depedency lalo na kung kailangan pang suhulan ng gadgets para lang kumain ito.
5. Nananakit ito kapag hindi makuha ang gusto
Naranasan mo na bang nasaktan ka ng iyong anak dahil kinuha mo ang gadgets na ginagamit nito. Hindi tumitigil na makipagagawan o di kaya umiyak at magwala para lamang ibalik mo ito. Kung ganun ito na ang pinakamalalang senyales ng screen addiction nito.
Ang mga nasabing senyales ay maaaring kapareho rin sa senyales sa mga teenager. Kaya naman narito kung paano maiiwasan ang ganitong sitwasyon:
-Maging mabuting halimbawa
Kung binibigyan mo ng limitadong oras sa paggamit ng gadgets ang iyong anak dapat iapply mo din ito sa iyong sarili at ng buong pamilya. Maging modelo sa iyong anak upang gayahin niya ang pagiging disiplinado sa paggamit nito.
-Magbigay ng screen time o schedule kung kailan lamang pwedeng gumamit ng gadget
Halimbawa, isang oras na hindi paggamit ng gadgets. Sa panuntunang ito ay dapat lahat kasali at sumunod para makita at malaman ng iyong anak gaano man kabata o katanda hindi lamang dito umiikot ang inyong mundo. Bagkus kasama lang ito sa pangaraw-araw na buhay ninyo. Bukod pa may iba pang mga bagay na dapat gawin kung saan mas nakabubuti pa sa inyong kalusugan.
-Huwag madadala sa tantrums
Normal lang sa bata na magiiyak-iyak at magwala kapag hindi makuha ang kanilang gusto. Ngunit kung sa tuwing nangyayari ito ay bibigyan ng gadgets ang iyong anak upang tumahan ito. Talaga namang magkakaroon ito ng screen addiction. At kung ayaw nitong kumain ginagawa mong pangsuhol ang cellphone o tablet ay magiging dependent naman ito sa gadgets. Kaya huwag pasindak sa iyong anak upang hindi mahirapang itama ito. Mabisang paraan para sa tantrums ay yakap ng paglalambing na puno ng pagmamahal at mahinahon na paguusap upang magkaintindihan kayo.
-
Kapag sinabi mong "Hindi" dapat hindi talaga gagamit ng gadgets at dapat masunod ang kautusan na ito.
EmoticonEmoticon