Saturday, August 22, 2020

Lalaking Nawalan Ng Trabaho, Nag-alok Na Maglinis Ng Kanal Ng Iba Para May Maipambili Ng Pagkain Para Sa Pamilya

Tags



Photo Credit: Facebook/Francis Jun


Hirap pa rin ang kalagayan ng karamihang mga Pilipino ngayon dulot ng pandemya. Ang iba, naghanap na ng iba't ibang paraan ng pagkakakitaan dahil na rin sa pagkakatanggal sa trabaho. 

Katulad na lamang ng isang lalaki na ito na nakilala bilang si Rey Raymond Rivera na ibinihagi ng netizen na si Francis Jun sa pamamagitan ng isang Facebook post

Bahagi ni Francis na maaga pa lang ay may lumapit sa kanyang isang lalaki sa kanyang tindahan na sa pag-aakala niya ay bibili lamang. Ngunit noong tanungin niya ito, sabi ng lalaki ay kung pwede raw ba niyang linisin ang kanal para may maiuwi sa kanyang pamilya. 

Wala raw kasi siyang trabaho at saka lumalabong na rin ang mga damo sa may kanal. Ayaw pa sanang pumayag ni Francis dahil siya naman talaga ang naglilinis sa kanal na tapat nila. Ngunit sa kalaunan ay pumayag na lamang siya dahil naawa siya sa lalaki. 

Photo Credit: Facebook/Francis Jun

Dagdag ni Francis,

"Kaya kung makaka-abot sa inyo si kuya at makiusap, sana pagbigayan niyo na para makatulong naman. Mahirap lang din ako. Asa lang din pero alam ko mas mahirap kalagayan ni kuya. Hindi siguro niya gagawin yan kung di lang talaga kailangan. Kayo na bahala sa kanya."

Hinangaan naman ang diskarteng naisip ng lalaki dahil kahit na marumi at mabahong kanal ang kanyang trinabaho ay marangal naman ang kanyang hangarin at ginagawa. At kaya niya tinitiis na linisin ang kanal ng iba ay para na rin may perang maiuwi sa kanyang pamilya.

Hinangaan rin ang pagtulong ni Francis sa nasabing lalaki dahil kahit na hirap din ang kanyang kalagayan ay mas inisip niya na mas nangangailangan ang lalaking lumapit sa kanya na nag-alok na maglinis ng kanal. 

Photo Credit: Facebook/Francis Jun

Minsan sa ating buhay, akala natin na hirap tayo sa ating kalagayan. Ngunit ang di natin inaakala na mayroon pa palang ibang tao na mas nahihirapan at mas nangangailangan ng tulong. Hindi ibig sabihin na kung tayo ay nasa mahirap na kalagayan ay hindi na tayo tutulong sa iba. 

Kung kaya't magsilbi sanang inispirasyon ang istoryang sa karamihang mga Pilipino.

Source: Facebook


EmoticonEmoticon