Sa sobrang daming mga gawaing kailangang matapos at magawa, hindi na nakapagtataka na ma-overwhelm tayo. Kaya may mga nanay na madalas nakakaranas ng anxiety dahil sa dami ng kanilang kailangang gawin hindi nila alam kung ano ang kanilang uunahin upang magawang pagsabay sabayin at matapos ang lahat ng kanilang responsibilidad.
Alam niyo ba na hindi naman kailangang tapusin ang lahat ng iyong responsibilidad sa iisang araw lamang o isang oras dahil maaaring gamitin ang paraan na tinatawag na "time blocking".
Ano nga ba ang kahulugan nito?
Ang time blocking ay kilala rin sa tawag na monotasking o di kaya time chuncking at ito ay isang time management technique na kung saan iisang task lamang ang kailangang gawin sa nireserve mong oras.
Ayon na rin sa experto ang ganitong time management style ay nakakatulong para ma-control mo ang iyong oras at gayun rin ay magawa mo ang ibang kailangang gawin.
Mga paraan kung paano gamitin ang Time Blocking:
1. Gumawa ng listahan
Isulat sa isang papel ang lahat ng mga trabahong iyong kailangang gawin. Imbes na pagsabay-sabayin mo itong gawin mas nararapat na magtakda ng oras sa bawat gawain upang mafocus mo ang sarili at matapos ito ng maayos.
2. Markahan ang priority
Ayon sa experto kailangan lamang pumili ng dalawa hanggang tatlong pinaka prioridad mo na gawain sa isang araw. At itong mga pinili mo ay siyang magsisilbing priority task mo na tinatawag din bilang "Prime slot" sa araw mo at kung saan hindi ka talaga maiistorbo sa araw na iyon. Wala ring ibang iisipin na trabaho at gawain kung hindi iyon lamang.
3. Magtakda ng schedule
Kapag napili mo na kung ano ang prioridad mo. Dito papasok ang pagtalaga o pagtakda ng schedule sa bawat gawain. Kung ano bang oras at araw ito kailangan gawin at tapusin.
4.
Hindi makakatulong ang lahat ng tips sa itaas kung hindi tayo magiging consistent sa ating itinakdang schedule. Gawin itong habit at mag-stick sa shedule at daily tasks priorities upang matapos ang ating mga gawain.
5. Magpahinga
Ang isa sa pinaka importante sa lahat ay ang paglaan ng break time kung tayo ay pagod na. Maaaring maglaan ng 15-30 minutes break at gawin ang mga bagay na makakapag relax sa iyong isip at pagkatapos nito ay huminga ng malalim at balikan ulit ang trabaho.
EmoticonEmoticon