Tuesday, August 11, 2020

80 pesos lamang kada araw ang Bayad sa Hotel na ito sa Japan Subalit mayroong Kakaibang Pakulo Bago mo ito Marentahan

Tags


Ang Japan ay isa sa mga bansa na talaga namang pinapangarap na mapuntahan ng karamihan sa atin. Maliban kasi sa magagandang tanawin ay buhay na buhay pa rin ang kultura nito kahit sa kasalukuyang panahon. Mayaman rin ito sa kakaibang pagkain at mga libangan na maaring subukan kaya naman hindi nakakapagtakang maraming turista ang dumarayo dito taun-taon. Iba't-ibang klase rin ng mga hotel ang maaring matagpuan sa Japan at bawat isa sa kanila ay may kani-kaniyang pakulo upang makaakit ng mga turista.

Isa na nga dito ang hotel na tinatawag na Ryokan Asahi at matatagpuan ito sa syudad ng Fukouka sa isla ng Kyushu Island. Naging viral sa social media ang nasabing hotel hindi lamang sa napakamurang presyo ng kwarto nito kundi pati na rin sa kakaiba nilang patakaran na kailangan sundin ng bawat bibisita dito.

Nagkakahalaga lamang ng $1.60 o di kaya naman ay humigi't kumulang 80 pesos ang singil sa bawat gabi ng pananatili sa Ryokan Asahi Hotel kaya naman patok na patok ito sa mga turista na maliit lang ang budget. 

Ngunit ang nakakatuwang patakaran nito ay maaring makapigil sa desisyon mong tumuloy dahil sa loob ng kwarto ay mayroong nakalagay na live camera at bawat galaw mo habang natutulog ay maaring mapanood sa internet. Ito ay sa kadahilang mayroon silang sariling YouTube account kung saan naka-upload ang bawat video ng mga turista.
Ipinapatupad lamang ang ganitong patakaran sa nag-iisang kwarto na tinawag nilang Room No.8 dahil hindi ito madalas napipili ng mga turista kaya naman nag-isip sila ng paraan kung papaano ito papakinabangan. 

Ligtas din para sa lahat ang nasabing pakulo ng hotel dahil hindi nito pinapayagan ang anumang malalaswang gawain sa loob ng silid. Wala ring camera sa loob ng palikuran kaya naman malayang makapagpalit ng damit o di kaya naman ay maligo ang mga turista nang hindi nag-aalala na mayroong ibang tao na nakakakita ng kanilang ginagawa.
Samantala, bago gumamit ng nasabing kwarto ay mayroong kailangang pirmahang kontrata ang bawat turista at ito ay tinatawag nilang Accommodation Pledge. Nakapaloob dito ang mga patakaran na kailangang sundin at ilang paalala para na rin sa kaligtasan ng kanilang bisita kagaya na lamang ng hindi pagpapakita ng mga personal na impormasyon nila sa harap ng camera.

Mariin ring binanggit ng tagapamahala ng hotel na wala silang pananagutan sakali mang lumabag ang isang turista at ihayag nito sa harap ng camera ang ilang impormasyon patungkol sa kaniya.
alaga namang kaakit-akit sa mga turista ang nasabing pakulo ng hotel dahil sa napakamurang singil nito. Ikaw, kakayanin mo bang tanggapin ang patakaran ng Ryokan Asahi Hotel upang makatipid sa iyong inaasam-asam na trip to Japan?


EmoticonEmoticon