Matapos mag-viral sa social media ang pulis na nanita sa isang delivery rider, ngunit na bigyan ng ticket ito ay $100 ang kanyang ibinigay. Hinangaan online ang mabait na pulis dahil binigyan niya ng pera ang sinitang rider na isang working student pala. Kaya naman bilang kapalit sa pagiging good samaritan ng pulis ay siya naman ngayon ang nakatanggap ng P100,000 mula sa isang anonymous donor.
Personal na tinanggap ni Corporal Jonjon Nacino ang pera matapos siyang ipatawag sa opisina ni Police Major Ronaldo Santiago, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU). Kinabahan pa si Corporal Nacino dahil sinabi sa kanyang may nagrereklamo sa kanya kaya siya ipinatawag.
Walang maisip ang pulis na nagawang kasalanan. Hindi niya alam na may surpresa na palang naka-antabay sa kanya. Nang tanggapin ni Corporal Nacino ang isang brown envelop at makita ang laman nito ay nabigla siya sa tuwa. Ayon sa kanya, malaking tulong ang perang kanyang natanggap lalo pa’t manganganak na ang kanyang asawa.
Sa gitna ng ating nararanasan na pandem!c ngayon ay marami parin talaga ang mga good news at inspiring na kwento katulad na lamang nito! Akalain mo bang magagantimpaalaan pala si chief sa kaniyang kabutihang nagawa sa isang delivery rider! Tila nagpapatunay lang na ang buhay ay may pag asa kung nanaisin lang natin gumawa ng mabubuti para sa ating kapwa dahil laging nakaantabay ang Panginoon sa ating buhay!
EmoticonEmoticon