Laganap ngayon ang panloloko sa mgadelivery riders sa buong Kamaynilaan. Dahil dito maraming mga nabibiktikmang riders ang napapagod at nawawalan ng pagkakakitan sa isang iglap ng araw. Marami kasing mga fake bookings ang kumakalat upang manguto ng mga riders na bumili ng pagkain pagkatapos ay hindi ito mababayaran.
Katulad na lamang ng kwento na ito na kumakalat ngayon sa facebook. Nakakaawa ang sinapit ng isang Grad food rider kung saan kinansela ng kanyang costumer ang mga order nito. Ibinahagi ng ni netizen Bernard Enriquez ang mapait na nangyari sa rider matapos itong dumating sa kanyang apartment upang maghatid ng pagkain.
Ayon kay Bernard, hinahanap umano nito ang kanyang costumer na nagngangalang Jane Castro. Ngunit walang ganoong pangalan na nakatira sa kanilang residential building. Kwento ni Bernard, may nauna ng dalawang grab rider na dumating upang maghatid rin ng pagkaing in-order. Ngunit bigla na lamang kinakansela nito ang mga orders at hindi na ma-contact pa.
Ang unang in-order umano ni Jane ay milk tea, kasunod ad Jollibee at ang panghuli ay ang Mang Inasal. Sa panghuli, umabot ng P5,800 ang bayarin dahil maraming itong in-order.Kaya naman humingi na rin ng tulong si Bernard sa kanyang mga kaibigan upang maibalik sa grab rider ang kanyang nagastos. Samantala, dahil viral na ang naturang post ni Bernard ay bumaha na rin ang tulong mula sa mga netizen na nais tulungan ang rider.
EmoticonEmoticon