Malaki talaga ang epekto ng pandemyang ito sa ating buhay ngayon, maraming mga empleyado at mga businesses ang labis na naapektuhan. Kahit na paunti-unting ngayong binubuhay muli ang ekonomiya ng ating bansa, di maikakaila na marami pa ring mga empleyado ang nawalan ng kabuhayan kaya't kinakailangan nilang maghanap ng ibang pagkakakitaan.
Katuland na lamang ng flight attendant na ito ng Pan Pacific Airlines na si Lorrie May Parungao. Dahil siya ang breadwinner ng kanilang pamilya, naghanap siya ng ibang paraan na mapagkakakitaan habang pansamantalang walang mga flights.
At para masuportahan ang pangangailangan ng kanyang pamilya, nagtitinda na muna siya ngayon ng fishball at mga pampalamig para kahit papaano ay mayroon pa rin siyang income.
Bahagi niya upang mainspire ang ibang tao na kinalakihan at nakasanayan na niya ang pagtitinda. Kaya naman kahit malayo na ang kanyang narating bilang isang flight attendant ay hindi niya ikinakahiya na bumalik siyang sa pagtitinda.
"Despite this pandemic that has affected employment worldwide especially the flying industry, nothing will stop me from continuing to look and provide the best for my family.
Ang pagtitinda ng fishball ang naging daan niya rin noon kaya siya ay nakapag flight attendant.
"From a simple family vendor and a farm earning family, di ko kailanman ito ipagkakaila. Hanap buhay parin para sa pamilya at pinakamamahal na anak.
"Maraming salamat sa aking mga magulang na ako'y inyong minulat sa maraming kasanayan sa buhay na aking madadala saan man at kailanman."
Aniya na hindi dapat ikinakahiya ang iyong pinagmulan upang marating at maabot ang iyong mga pangarap. Nawa'y magpasalamat pa sa kung anu man ang naranasan sa buhay, dahil ito ang nagiging daan upang maabot ang ating mga mithiin.
Huwag rin nating kakalimutan ang ating pinagmulan dahil ito ang magtuturo sa atin sa mabuting daan.
Godbless sa iyo Lorrie! Sana ay marami pa ang mainspire sa iyong kwento at tularan ang iyong kasipagan.
EmoticonEmoticon