Marami ang nag-iba sa taong 2020 lalong-lalo na nang mas kumalat ang kinakatakutang epidemya na sumira sa napakaraming kabuhayan. Dahil sa mga bagong limitasyon at batas na isinakatuparan ng gobyerno, maraming negosyo, paaralan, events at travel. Maging ang pribadong tao na mayroon ng nakatakdang plano kagaya na lamang ng magkasintahan na dapat ay ikakasal.
Dahil dito, ang ilan sa kanila ay naka-isip ng iba't ibang paraan kung papaano maitutuloy ang matagal na nilang hangad na pag-iisang dibdib.
Ang iba sa kanila ay nagkaroon ng online pre-nuptial photos samantalang ang ilan naman ay nag-abala pa ring magbihis ng magara at magpakasal sa harapan ng isang pari. Ngunit ang talaga namang nakabihag ng atensiyon ng mga netizens ay ang magkasintahan na naging viral sa social dahil bigla silang ikasal ng Mayor matapos bumisita sa Munisipyo!
Ang bagay na ito ay nangyari sa lugar ng General Trias, Cavite at ayon sa Facebook post ni Erica Candelaria-Sagum, noon ay magpapa-schedule lang sila ng appointment sa Mayor para sa kanilang kasal dahil naudlot ang una nilang plano na April.
Sa katunayan ay casual lang ang kanilang pananamit at nakasuot ng mask habang kinakausap ang Mayor ng lungsod na si Antonio Ferrer at nabigla sila dahil hindi nila inaasahan na noong mga panahong ding iyon matutupad ang matagal na nilang inaasam na kasal!
Sa bisa nga ng kapangyarihan na ibinagay sa kaniya ay agad na ikinasal ni Mayor Antonio ang magkasintahan at sa tulong ng kaniyang mga staff ay nagkaroon rin ng singsing ang dalawa habang binabanggit ang pangako sa isa't isa.
Noong una ay halos hindi makapaniwala ang dalawa sa nangyayari lalo na at hindi ito ang pinangarap na kasal ni Erica.
Sa kaniyang post ay nabanggit niya na marami siyang ginawang preparasyon para sa espesyal na araw na ito kagaya ng pamimili ng isusuot na wedding gown o di kaya naman ay klase ng make-up para sa kaniyang mukha.
Ganoon pa man, abot-tenga parin ang ngiti nila ng kaniyang kasintahan dahil nagtagumpay ang pagpunta nila ng munisipyo at umuwi sila bilang mag-asawa.
Talaga namang may mga pagkakataon na hindi umaayon ang tadhana sa mga plano natin ngunit sa huli ay hindi nito hahayaan na hindi natin makamit ang ating kaligayahan, maaring sa pamamagitan lang ng ibang kapamaraanan.åå
EmoticonEmoticon