Napakahalaga ng edukasyon ng bawat bata para sa mamamayang Pilipino sa ating bansa. Ayon kasi sa mga nakakatanda, ang edukasyon ang maaring ipamana mo sa mga kabataan na tinatanyag nap ag-asa ng bayan sa mga darating na panahon. Ngunit paano kung sa bagong new normal na ito ay mayroong mga pagsubok ang kinakaharap ang mga guro na nagbibigay kaalaman at eduaksyon sa ating mga katabaan.
Umani ng samu’t saring reksyon sa social media ang larawan ng mga guro kung saan nasa tabi sila ng kalsada upang makasagap ng signal para makasali sa webinar. Dahil sa banta ng COVID-19, nagsagawa ng webinar o online seminar ang Department of Education (DepEd) para sa paghahanda sa darating na pasukan ngayong Agosto 24.
Kalbaryo ang kinakaharap ngayon ng mga guro lalo na sa mga mga nagtuturo na mahirap hagilapin ang signal. Nitong Miyerkoles, nagsama-sama ang iilan sa mga guro sa Barangay New Leyte, Maco, Davao de Oro sa may tabi ng kalsada dahil tanging lugar na iyon lamang ang may malakas na signal ng internet. Ayon sa nagbahagi ng post na si Jeson Arias Celebre, kailangan pa nilang umakyat lugar na iyon upang makahanap ng signal.
Ngunit parte umano ito ng kanilang trabaho upang masunod ang new normal na ipinapatupad. Maraming netizen ang nalungkot sa bagay na ito. Kaya dasal nila na matulungan ang mga guro na masolusyonan ang kanilang problema sa kabila ng kinakaharap na pandemya. Hiling rin nila na gumawa ng paraan ang DepEd at gobyerno na maibsan ang kinakaharap na kalbaryo ng mga guro.
EmoticonEmoticon