Sunday, June 21, 2020

Pulis sa Benguet, Naging Instant Babysitter Habang Namamalengke ang Nanay ng Sanggol




Viral online ang pagbabantay ng isang policewoman sa isang sanggol sa Kabayan, Benguet habang namimili ng grocery ang nanay ng sanggol. Sa post na ibinahagi ng GMA news, makikita ang isang pulis na hawak-hawak ang isang sanggol. Pansamantalang binantayan muna ni Police Corporal Nimfa Camis ang sanggol upang makapamili ng maayos ang nanay ng bata.

Ayon sa ulat, nagbabantay si Camis sa mga customer ng Tiongsan rolling store nang makita niya ang isang namamalengkeng nanay na bitbit ang kanyang sanggol. Kinausap ni Camis ang isang babae ng mapansin na may bitbit itong sanggol dahil bawal pa namang lumabas ang mga bata. Ipinaliwanag naman ng nanay ang kanilang kalagayan at naintindihan naman ito ng pulis.





Kaya naman nagboluntaryo na siyang bantayan muna ang sanggol habang namimili ang nanay ng bata. Pinuri naman ng mga netizen ang kabaitan ni Camis at binantayan pa ang baby habang namimili ang ina. Ayon sa mga komento ng ilang mga netizen, nakakamangha ang ginawa ng police officer dahil sa kabaitan at bukal na puso ang ginawa nito para sa ina. Tunay na saludo ang mga mamamayan Pinoy para sa kaniya. 

Ayon pa sa ilang mga komento, nakakataba ng puso ang ginawa ng police officer na ito at talagang hindi lahat ng tao ay masama dahil marami parin talaga ang may mabuting kalooban. Isang tunay na bayani ang pinakita ni Camis at nirepresenta nito ang lahat ng public servant na kahit sa anong pangyayari o oras ay maaring mag extend ang mga public servant na ito anumang uri ng tulong para sa lahat ng kababayan. 


EmoticonEmoticon