Trabaho ng mga flight attendant na siguraduhin ang seguridad at comfort ng kanilang mga pasaherong nakasakay eroplano. Responsibilidad nila ang pagde-demo ng mga emergency procedures, pagbibigay ng instructions sa mga pasahero at pagsasagawa ng mga safety checks.
Ngunit ang isang flight attendant na ito ay hinangaan ng marami dahil sa kanyang taos pusong pagtulong at pag-aasikaso sa isa senior citizen na kanilang pasahero.
Ibinahagi ng netizen na si Rina Sheryl Estabillo- Dajao ang nakakatouch na larawan ng isang Philippine Airlines (PAL) flight attendant sa pamamagitan ng isang Facebook post. Pinuri at hinangaan ni Rina ang nasabing crew dahil sa pagpapakita nito ng kabatian at pag-asikaso sa isang matandang pasahero na tila mukhang hirap kumain mag-isa.
Kasama sa larawan ang caption na,
"Whoever she is, may the Lord bless you a thousand fold ang make you the cabin crew of the century. Buong Pusong Alaga in Action. This deserves 5 stars. #FindTheMysteryCrew"
Simula ng mag-viral ang post ay tumulong rin ang mga netizens na mahanap kung sino nga ba ang mabait na mystery cabin crew na ito. Nais kasi nilang bigyan ng pagpapahalaga ang kanyang effort sa pagtulong sa matanda kahit na labas na ito sa kanyang trabaho.
Ilang araw lamang ang nakalipas, sa tulong na rin ng social media ay nakilala na nila ang myterious flight attendant. Nakilala siya bilang si Chet De Guia Encarnacion.
Sa isa pang Facebook post ay pinuri ni Rina si Chet at sinabing,
"Dear Chet,
Finally found you! Just want to say that you are a gem. We'eve seen enough toxic news over the internet the past few months, and seeing your act of kindness towards an elderly is more that enough to give us HOPE that there are still people like you who will still DO THE RIGHT THING even if no one is watching.
Dagdag pa ni Rina,
"You must have been so exhausted on that flight yet you still managed to go above and beyond with so much grace and class. So next time I board a plane, I will think of flight attendants like you who has so much heart and care to give on their passengers. Instead of complaining over a delayed flight; I WILL CHOOSE TO BE PATIENT & UNDERSTAND. Your job is no easy feat and is physically challenging but despite of that, you gave your Buong Pusong Alaga without expecting anything in return. I hope to meet you in this lifetime, maybe as your passenfer.
Mabuhay ka Chet!"
EmoticonEmoticon