Namataan at kinuhanan ng litrato ng isang netizen ang mga pusa sa isang barangay sa Quezon City. Kinatuwaan ang litrato ng mga pusa dahil ipanapatupad rin nila ang social distancing habang nakaupo sa mga markang bilog na inilagay sa kanilang lugar. Ayon sa uploader, mahigit sampung minutong nanatili ang mga pusa sa social distancing markers sa harap ng isang tindahan. Isa sa mga mabisang pang-iwas upang hindi makahawa sa mga taong mayroon o maaring positibo sa Covid-19 ay ang social at physical distancing.
Ang pagkakaroon ng limitasyon sa face to face na pakikipag ugnayan sa ibang tao ang isa sa nakikita ng mga espesyalista na makakabawas sa pagdami ng kaso ng Covid-19 sa bansa. Ang inirerekomendang layo ng mga tao sa isa’t isa sa gitna ng COVID-19 pandemic ay isang metro man lang, at ito ang ipinapatupad ngayon sa mga pampublikong lugar kung saan ay maraming taong namimili o nakapila.
Upang masigurong umiiral ang social distancing sa bansa, naglagay ang ilang mga lugar ng markers sa daan kung saan dito maaring tumayo ang mga Pinoy. Ang mga markers na ito ay may isang metrong pagitan sa isa’t isa at mahigpit na sinusunod ngayon ng mga kababayan natin. Ngunit hindi lang pantao ang mga social distancing markers na ito dahil maski mga hayop ay sumusunod sa social distancing sa isa’t isa.
Sa facebook post ni Coleen Joyce Aquino, ibinahagi niya ang mga larawan ng mga pusa na kaniyang namataan sa harap ng isang tindahan sa Brgy. Holy Spirit Quezon City kamakailan lamang. Maraming netizens ang natuwa sa mga litratong ito ng mga pusa habang nakapuwesto at nananatili sa mga social distancing markers sa lugar. Dagdag pa ni Coleen, isa isang pumunta sa mga bilog ang mga pusa at nanatili ang mga ito ng halos sampung minuto.
EmoticonEmoticon