Wednesday, May 13, 2020

Good Samaritan na Guro, Ipinamahagi ng Libre sa Kaniyang mga Estudyante ang mga Isda na Kaniyang Nahuli




Nakakatouch ang isang guro na ito na kinilala bilang si Sir Emil Bal-iyang ng Lamag Elementary School sa probinsya ng Quirino na kamakailan lamang ay nag-viral sa social media dahil maraming natuwang mga netizens sa kaniyang ginawa na pamimigay ng mga isda sa kaniyang mga estudyante.



Ayon sa nasabing post na ibinahagi ng isang guro rin na si Ma'am Josephine Gironella, nangako umano si Sir Emil sa kanyang mga estudyante sa ika-6 na baitang na sila ay magpi-picnic sa may tabing ilog kasama ang kanilang mga pamilya pagkatapos ng kanilang graduation. 


Sa kasamaang palad, mula nang kumalat ang COVID-19 dito sa ating bansa ay hindi na natuloy ang kanilang plano gawa na rin ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipinatupad sa buong isla ng Luzon. 

Dahil sa napurnadang picnic ng kanilang klase, nakaisip ng ibang paran ang butihing guro upang mapasaya pa rin ang kanyang mga estudyante. 




Nanghuli ito ng ilan sa mga isdang nasa kanyang kulungan sa may ilog at hinati nila ang bilang ng mga ito nang pantay-pantay para sa bawat isa sa kaniyang mga estudyante.



Hindi lamang pala isang guro si Sir Emil kundi nagtatanim rin ito at nangingisda sa libre nitong oras kaya marami itong mga naipamigay na mga isda.

Mabuti na lamang, ang kanilang munisipyo ay hinahayaan ang mga katulad niya na matingnan ang kanilang mga pananim upang mag-ani na rin at makapangisda sa ilog basta't hindi sila masyadong magtatagal. 


Kaya naman, sa tulong ng kanyang kapwa guro na si Sir Frederick Daumen ay nakapanghuli sila ng isda para sa mga bata. 


Sa kabilang dako naman bukod sa pagiging Guro ay napag-alaman na ito rin pala ay nagbibigay serbisyo sa bayan nito sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagdu-duty sa isang barangay checkpoint. 

Tunay ngang kahanga-hanga ang mga katulad ni Sir Emil na hindi lamang isang guro kundi modelo rin na pwedeng tularan ng mga bata.


EmoticonEmoticon