Para sa mga mamamayan na pansamantalang natigil ang kanilang paghahanap buhay dahil sa epekto ng quarantine, malaking tulong na ang financial assistance ng g0byerno sa kanila. May mangilan-ngilan na ginamit ang kanilang perang natanggap upang panimula ng maliit na negosyo at meron naman na pinambili na nila ito ng kanilang mga pagkain at iba pang pangangailangan.
Samantala, ang isang lola na ito na taga General Santos City ay napaantig ang puso ng mga netizens dahil sa kanyang naging reaksyon matapos makatanggap ng cash aid na Php5,000 mula sa DSWD.
Nakilala ang 65 taong gulang na lola bilang si Lola Veronica Piliton na taga Purok P.I. 16, Barangay Heights sa General Santos City. Bahagi ng page na Radyo Singko 92.3 News FM na tuwang-tuwa ang matanda nang matanggap niya ang kanyang ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP).
Tumatalon daw sa tuwa ang matanda dahil ito na raw ang pinakamalaking halaga na kanyang nahawakan sa buong buhay niya. Dahil pareho na silang senior citizens ng kanyang asawa, ay hirap sila ngayon sa paghahanap buhay lalo na't pinahihintulutan ang mga matatanda na lumabas muna sa kanilang mga tahanan.
Ang kanyang 68 taong ulang na asawa na si Lolo Venancio, ay kumikita lamang noon sa pamamagitan ng pangangalakal ng mga bakal, bote at plastic. Kada araw ang kanilang kinikita lamang noon ay P100.
Dahil sa epekto ng quarantine, halos isang beses na lamang daw silang kumakain sa isang araw. Kaya naman noong nakatanggap ng pera si Lola Veronica ay agad nilang ipinambiling mag-asawa ito ng bigas at iba pang mga kailangan nila sa kanilang bahay.
Samantala, sang-ayon naman ang mga netizens na karapat dapat lang daw talaga na mabigyan ng tulong lalo na ang mga senior citizens dahil humihina na ang kanilang katawan upang magtrabaho pa.
Narito ang ilang komento ng mga netizens tungkol dito.
"Ganito dapat unahin bigyan ng ayuda alam mong marunong mag-appreciate."
"Sobrang saya ni Lola, ang sarap sa pakiramdam na may makita kang ganyan."
"Yan sila dapat priority ng DSWD."
Source: Facebook
EmoticonEmoticon