Kinaaliwan online ang litrato ng isang senior citizen sa Baguio habang siya ay namimili sa grocery. Ang nasabing senior ay nakasuot ng anghel na costume habang namimili, ito raw kasi ang kaniyang paraan upang ipagdiwang ang kaniyang ika-70 kaarawan. Idineklara ng Baguio City ang Linggo bilang araw na maaring lumabas ang mga senior citizen upang mamili nang walang Authorized Persons Outside Residence (APOR).
May kilala kaba na nagdiwang ng kaniyang kaarawan habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa? Ano ang mga ginawa nila para ipagdiwang ang kanilang kaarawan sa gitna ng pandemic na ating nararanasan ngayon? Marami na ang mga Pinoy na nagbahagi ng kanilang karanasan sa pagdiriwang ng kanilang kaarawan o ng kapamilya sa gitna ng ECQ. Mayroong naghanda na lamang ng simpleng mga putahe, habang ang iba naman ay nabake ng sarili nilang mga birthday cake.
Mayroon din namang nagbigay na lang ng donasyon o relief goods para sa mga nangangailangan at ito na umano ang nagsisilbing pa birthday nila sa sarili: ang makatulong sa kapwa Pinoy na naghihirap sa gitna ng ECQ. Ngunit kakaiba ang trip ng namataang senior citizen sa Baguio City habang ito ay namimili sa grocery. Ayon sa post na ibinahagi ng Philippine Star sa kaniyang facebook page, Ipinagdiriwang ng senior ang ika-70 niyang kaarawan nang namataan siya sa isang grocery.
Kapansin pansin talaga ang senior citizen dahil nagsuot ito ng anghel na costume habang namimili. Nakasuot ito ng kulay dilaw na polo habang nakasuot din ng kulay ginto na pakpak. Ito umano ang paraan ng senior upang ipagdiwang ang kaniyang kaarawan sa gitna ng nangyayaring pandemic. Hindi rin naman niya nalimot na magsuot ng facemask upang maprotektahan din ang sarili. Ayon sa mga comment, napagalaman na ang senior ay nagngangalang Bootz Yabut.
EmoticonEmoticon