Monday, May 11, 2020

Lalaki, Gumawa ng Artificial Coral Reef Para sa mga Isda Habang Quarantine!




Sa gitna ng quarantine, naisipan ng isang lalaki na mula sa Marinduque na gumawa ng artificial na coral reef. Ang artificial coral reef na ito ay inilubog ng lalaki sa katapat nilang dalampasigan at ito ay pinamamahayan na ng mga isda pagkatapos ng ilang lingo. Sa kasalukuyan, inihahanda na ng lalaki ang pangalawang artificial coral reef na kaniyang ilulubog muli sa dagat.

Ano-ano na ang iyong mga nagawa sa gitna ng umiiral na quarantine? Naging produktibo k aba sa araw araw na lumipas? O nagamit mo ba ng maayos ang libreng oras na nagkaroon ka habang tayo ay naka quarantine? Isang lalaki mula sa Bunganay sa Marinduque ang inilaan ang oras habang naka-quarantine upang gumawa ng mabuting bagay para sa kapwa. Ngunit hindi tulad ng ibang Pinoy na nagbigay ng donasyon para sa mga nangangailangan sa gitna ng quarantine, ang nasabing lalaki ay tumulong sa mga isda sa karagatan.





Naisipan ni Freedom Dellosa na gawing makabulahan ang oras habang nasa quarantine sa pamamagitan ng paggawa ng bahay para sa mga isda sa karagatan na malapit sa kanila. Sa facebook ay ibinahagi ni Freedom ang kaniyang mga naging karanasan sa paggawa ng artificial coral reef. Nag-umpisa si Freedom noong unang lingo ng Abril nang maisipan gawan ng artificial na coral reef ang mga isda sa karagatan na nasa harap ng kanilang tahanan.

Pagkatapos ilubog sa dagat ang unang artificial reef na kaniyan ginawa, pinamagayan na ito ng mga isda pagkatapos ng tatlong lingo. Ibinahagi din ni Freedom ang mga litrato sa kaniyang facebook. Nang magsimula naman ang mayo ay naisipan muli ni Freedom na gumawa naman ng ikalawang artificial coral reef na gawa sa puno at sanga. Muling nagbahagi ng mga litrato si Freedom sa Facebook. Mahalaga ang artificial o man made coral reef sa karagatan dahil ang mga ito ay maaring pagkapitan ng algae at mga totoong coral reef na pumoprotekta at nagiging tahanan ng mga species sa karagatan.


EmoticonEmoticon