Sunday, May 10, 2020

Kahit na Madalas na Kamote at Tuyo Lamang ang Baon ng Estudyanteng Ito, Masipag pa rin Itong Pumasok sa Klase at Walang Reklamo




Mahalaga sa bawat bata ang pagkakaroon ng tamang nutrisyon habang sila ay lumalaki dahil makakatulong ito para mas lalong tumibay ang kanilang katawan at magkaroon ng kakayanan na labanan ang mga sakit sa kapaligiran.

Ayon nga sa mga eksperto sa kalusugan, kailangan ang tinatawag na Glow,Grow at Go na uri ng mga pagkain lalong-lalo na para sa mga estudyante. Kaya naman, nakakalungkot isipin dahil hindi lahat ng bata ay nakakaranas o di kaya naman ay nakakatikim ng masasarap at masustansiyang pagkain kagaya na lamang ng isang estudyante na naging viral sa social media.

Sa ibinahaging kwento ng isang concerned netizen na si Almera Maquintura Bagares, guro ng bata, madalas tuyo at kamote lang ang kinakain nito araw-araw. Ito rin ang baon niya sa paaralan at kapag walang tuyong isda ay kamote lang ang nagiging pantanggal nito ng gutom. 

Napahanga siya sa kaniyang estudyante dahil sa kabila ng kanilang sitwasyon ay masipag pa rin itong mag-aral at hindi ikinakahiya ang kaniyang pagkain sa kaniyang mga kaklase.




Salat sa buhay ang pamilya at isang magsasaka ang ama ng bata na nakilalang si Cristine T. Nonan nakatira sa Busol, Tigbao, Zamboanga Del Sur. Madalas ay wala silang pambili ng bigas kaya naman mga pananim sa bukirin ang kadalasan nilang kinakain. Isa rin ito sa dahilan kung bakit pinagbubutihan ni Cristine ang pag-aaral dahil gusto niyang maiahon sa hirap ng buhay ang kaniyang pamilya.

Naging viral nga ang post ni Teacher Almera at naging daan ito para matulungan ang bata na makakain ng maayos. May ilang netizens na nagpadala ng pera samantalang ang ilan naman ay nagpadala ng mga groceries. 



Agad namang nagpasalamat si Cristine sa mga taong tumulong sa kaniya sa pamamagitan ng Facebook post ng kaniyang guro at masayang mabasa ang magagandang komento ng mga ito patungkol sa kaniya.





Hindi lang kasi naging mabuting halimbawa si Cristine sa kapwa niya estudyante kundi pati na rin sa mga nakatatanda. Muli niyang pina-alala sa lahat na hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng iyong mga pangarap at wala kang dapat ikahiya kung kakaiba ang iyong pagkain kumpara sa iyong kapwa.

Sadya ngang marami tayong magagandang bagay na maaring matutunan sa mga bata dahil sila itong busilak ang puso.


EmoticonEmoticon