Wednesday, May 20, 2020

'Tisoy na Paniki'?, Netizens Namangha Sa Nakitang Puting Paniki sa Samal Island








Namangha at naaliw  ang maraming social media users matapos makita ang larawan ng isang putting paniki. Sa facebook, ini-upload ng isang netizen ang mga litrato ng kakaibang klase ng paniki na nakita niya kamakailan sa Samal Island. Ayon sa regional office ng DENR, kasalukuyan pa nila itong iniimbestigahan sa ngayon dahil wala pang sightings ng puti o albino na paniki sa isla.

Normal lamang na makita ang itim na paniki, lalo na sa mga lugar na madalas puntahan ng mga paniki gaya sa Palawan. Ngunit paano kung makakita ka ng puting uri nito? Sa facebook ay iniupload ng isang user na nagngangalang Gigi Senajonon ang mga litrato ng puting paniki na nakita niya kamakailan sa Samal island. Namangha at naaliw ang maraming netizens sa social media matapos makita ang mga larawan ng kakaibang klase ng lumilipad na hayop na ito, na madalas ay kulay itim at hindi puti.





Marami ang nagbiro na mestizo o tisoy ang paniki. Mayroon naman mga nagpatawa na baka pumuti ang hayop dahil hindi masyadong nakapagliwaliw dahil sa tagal ng community quarantine habang may ilang nagsabi din nab aka nakagamit ito ng whitening soap. Mayroon din mga nagsabi o nanakot na baka alaga ng isang engkanto o hindi kaya mismo ay ito ay engkanto. 

Ayon sa regional office ng DENR o Department of Environment and Natural Resources, iniimbestigahan pa nila ito sa ngayon dahil walang namang naitalang sightings ng puti o albino na paniki sa kanilang rehiyon sa kasalukuyan. Iba’t iba man ang komento mula sa mga tao, nakakuha naman ng libo libong reaction ang litrato at umabot sa 20,000 shares ang post na ito.



EmoticonEmoticon