Karamihan sa mga magulang ay hangad lamang ang nakakabuti para sa kanilang mga anak. Madalas ang kanilang pagpapalaki sa mga ito ay base na rin sa kanilang pinagdaanan o di kaya naman ay karanasan sa buhay.
Isang lalaki ang lumaki sa pangaral ng kaniyang ama na mas mainam pang magtrabaho sa murang edad kaysa paglaanan ng panahon ang halos araw-araw na pagpasok sa paaralan dahil hindi naman siya kikita ng pera mula dito.
Ang nasabing lalaki ay nakilala bilang si Melvin Osabel Buracho at ang kaniyang ama ay nagtatrabaho sa tubuhan para matustusan ang kanilang pangangailangan.
Sa murang edad ay mataas na ang pangarap ni Melvin kaya naman desidido siyang tapusin ang kaniyang pag-aaral hanggang kolehiyo. Hindi naging madali ang bagay na ito lalo na at tutol na tutol ang kaniyang ama sa pag-aaksaya niya ng oras sa paaralan.
Sa katunayan, ang mga nakababata niyang kapatid ay tumigil na sa pag-aaral at nagtrabaho nalang sa tubuhan dahil sa takot sa kanilang ama. Samantala, si Melvin ay pinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral kasabay ang pagtulong sa ama sa pagtatrabaho sa tubuhan. Ngunit noong nasa Grade 4 na ay napilitan siyang huminto dahil na rin utos ng ama na pagtuunan ng pansin kung papaano kumita ng pera.
Sa kabutihang palad, mayroon siyang nakitang restaurant na naghahanap ng working student at agad itong sinunggaban sa kabila ng pagtutol ng ama.
Naging maganda ang mga grado ni Melvin at sa katunayan ay nakatanggap siya ng iba't ibang honors ngunit ni minsan ay hindi nagpakita ang kaniyang ama sa graduation ceremony hanggang sa pumanaw ito ng hindi sila nagkaka-ayos.
Mabigat man sa loob ay natapos rin ng binata ang highschool at nagdesisyon munang maghanap ng trabaho upang matustusan ang pag-aaral niya sa kolehiyo. Minabuti niya ring bisitahin ang ama sa puntod nito para humingi ng tawad.
"Patawad Tay, kung naging mabigat ang loob niyo sa pag-abot ng aking mga pangarap. Hindi na po ako galit sa inyo at nawa ay nauunawaan niyo rin na ginagawa ko ito hindi lamang para sa sarili kundi para kay Nanay at mga kapatid ko. Mahal kita Tay at sana masaya ka sa naging bunga ng aking pag-aaral.", mga salitang nabanggit ni Melvin sa puntod ng ama habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng kaniyang mga luha.
Ipinagpatuloy nga niya ang pag-aaral sa kolehiya at ngayon ay magaan na ang kaniyang kalooban. Nakapagtapos siya ng kursong Bachelor of Elementary Education, major in General Education noong buwan ng Mayo taong 2019 ng may iba't ibang parangal na natanggap. Maliban dito ay nag-top din siya sa isinagawang Licensure Exam for Teachers noong buwan ng Disyembre!
Talaga namang kahanga-hanga ka Melvin at ipinakita mong malayo ang mararating ng taong hindi sumusuko sa pag-abot ng kanilang pangarap.
EmoticonEmoticon