Wednesday, May 20, 2020

'Scary Face Masks', Nag-Viral Matapos Gawin ng Isang Designer Upang Mapanatili ang Social Distancing




Upang makaiwas sa COVID-19, isang designer ang nakaisip ng paraan para na rin mapantili ang social at physical distancing na ito sa Iceland. Gumawa ng face mask ang designer sa pamamagitan ng pag-gagantsilyo ngunit mga nakakatakot na disenyo ang kaniyang ginawang face mask. Paglilinaw ng designer, hindi umano nakakatulong ang ginawang face mask sa pag-iwas sa V!rus ngunit ito ay kaniyang ginawa para lamang umiwas ang mga tao sa takot sa isa’t isa.

Lahat ng maaring pagiingat ay palaging ipinapaalala sa publiko sa panahon ngayon ng COVID-19 pandem!c. Paghuhugas ng kamay, pag-disinfect, paggamit ng alcohol at hand sanitizer, pagpapatupad ng social distancing at pati narin physical distancing. Ngunit marami ang nahihirapang sundin ang social at physical distancing dahil nakasanayan na natin ang pakikihalubilo sa ibang tao.





Kaya naman isang designer ang nakaisip ng paraan kung paano tuluyang magiiwasan ang mga tao. Sa video mula sa AFP, itinampok ang face mask na gawa ng Icelandic designer na si Yrurari na maari umanong magamit kung nais mong umiwas ang mga tao sa iyo. Ang face mask kasi na kaniyang ginawa gamit ang paggantsilyo ay mayroong mga nakakatakot na disenyo tulad ng mga nakalabas na dila at matatalas at nakakatakot na ngipin. 

Ang mga face mask na ito ay gawa sa mga makakapal at mabibigat na sinulid na maingat na ginantsilyo ng designer. Umabot umano sa hanggang sa sampung oras ang paggawa ng isang face mask lamang. Ayon pa sa designer, siyam na taon pa lamang siya ay natuto na siyang maggantsilyo. Wala rin umanong balak si Yrurari na ilabas ang mga face mask sa publiko. Ngunit ilang museum na tulad ng Textile museums sa US at Netherlands angnagbigay ng interes sa face mask collection na ito ni Yrurari. 


EmoticonEmoticon