Tuesday, May 19, 2020

Isang Guro ang Pansamantalang Inalagaan ang Aso ng Isang Estudyante Dahil Walang Mag-aalaga sa Kanilang Bahay




Sadya ngang samu't saring kwento ang mga naririnig natin patungkol sa mga guro na itinuturing rin nating makabagong bayani. Nariyan ang pagsasakripisyo nila ng oras sa mahabang paglalakad papunta sa paaralan o di kaya naman ay paglalaan ng sariling pera para sa kapakanan ng kanilang mga estudyante. Maliban nga sa propesyon na kanilang sinumpaan ay siniseryoso rin nila ang pag-aalaga sa mga bata at sa katunayan ay literal na tumatayong pangalawang magulang ng mga ito.

Kaugnay nito, kamakailan lang ay isang guro na naman ang hinangaan ng mga netizens matapos niyang maging viral sa social media dahil sa pagpapakita ng magandang kalooban sa isang tuta!


Isang estudyante ang nagdala ng dalawang buwang tuta sa kanilang paaralan sa kadahilanang walang mag-aalaga nito sa kanilang bahay at noong una ay nag-aalala ito dahil baka mapagalitan siya ng kaniyang guro kaya naman palihin niya itong dinala sa loob ng silid-aralan. 




Napansin nga ng kanilang Science Teacher ang cute na tuta at agad na tinawag ang atensiyon ng bata. Laking gulat ng buong klase dahil sa halip na magalit ay mahinahon nitong hinawakan ang aso at pina-kalma. Dog-lover din pala si Teacher!




Sa mga larawan na ibinahagi ng concerned netizen na si Liza Arambulo ay makikitang karga-karga pa ng guro ang tuta at paminsan-minsan ay hinahayaan niya itong tumayo sa taas ng kaniyang mesa. Dahil nga dito ay naging tahimik ang silid-aralan habang abala ang mga estudyante sa pagkopya ng kanila leksiyon para sa araw na iyon.


"So nagdala ung classmate ko ng tuta, sabi niya wala daw magbabantay. Then, kala naming lahat lagot kami sa teacher namin pero tingnan niyo awwww.", caption ni Liza sa kaniyang viral post na ngayon ay umaabot na sa mahigit kumulang 45 thousand likes at 42 thousand shares.


Talaga namang napaka-cute ng tuta na nakilalang si Nomo at hindi lang mga estudyante ang nabighani sa ganda niya kundi pati na rin ang kanilang guro na nagpakita ng magandang halimbawa sa mga bata lalo na pagdating sa pagpapahalaga sa mga hayop sa ating kapaligiran.


EmoticonEmoticon