Dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa bansa, gumawa na ng hakbang ang lokal na pamahalaan ng Maynila upang masiguradong ligtas rin sa virus ang mga palaboy sa lansangan. Ayon sa Philippine Star, ni-rescue at pansamantalang inilagay muna sa Delpan Sports Complex sa Maynila ang mga palaboy sa lansangan.
Bilang tugon at malasakit na rin ng gobyerno sa mga mamamayan, mnanatili muna doon ang mga street dwellers upang maprotektahan rin sila sa coronavirus. Nitong Sabado ng madaling araw, nailipat na ang mga palaboy at nakapagpahinga na rin sila ng matiwasay sa isang covered court. Mayroong maraming modular tents na ang naka set-up doon kung saan makikitang maganda ang kalagayan rin ng mga palaboy.
Makikita sa mga larawan na mabuti rin ang kalagayan ng mga matatanda at mga bata habang mahimbing na nagpapahinga. Pinuri naman ng mga netizen ang aksyong ito ng Maynila dahil sa hindi nila pagpapabaya kahit sa mga walang tirahan nasa lansangan lamang.
Taos- pusong nagpapasalamat ang marami dahil bnibigyan prayoridad rin ng Maynila ang lahat ng kanilang mamamayan mahirap man o mayaman. Nasa enhanced community quarantine pa rin hanggang ngayon ang buong Luzon dahil sa banta ng coronavirus. Ang viral photo ay umabot na sa 22,000 shares at 55,000 reactions.
EmoticonEmoticon