Wednesday, May 6, 2020

Misis na Tumanggap ng P6,500 Ayuda, Ginamit na Puhunan ang Pera!




Napabilib ang mga netizen sa isang misis mula San Mateo, Rizal kung saan ang ayudang natanggap sa Social Amelioration Program ay ginamit niya para nakapagsimula ng maliit na negosyo. Matapos mamahagi ang DSWD ng tulong pinansyal sa mga apektado ng enhanced community quarantine dahil sa banta ng COVID-19, isa si Joverly Arellano, 24 anyos, residente sa San Mateo, Rizal.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, may negosyong computer shop si Joverly. Ngunit dahil sa conavirus ay lahat ng mga establishimento sa sa bansa ay kinakailangan magsara. Dahil napasama si Joverly sa tumanggap ng ayuda mula sa SAP, ginamit niya ang perang ito upang makapagtayo ng ibang pagkakakitaan.





Ang kanyang mister ay isang construcion workerat pansamantalang wala ring maipadalang pera sa kanila. Bukod sa natigl ang trabaho nito, ay na-stranded rin ito sa Pampanga dahil sa lockdown. Ayon kay Joverly, Mas maigi ngayon may kinikita ka. Sarado ngayon iyong computer shop, mag-2 months nang sarado, walang kinikita. Tapos iyong asawa niya ay wala namang pinapadala.

Sa P6,500 na natanggap ni Joverly, inilaan niya ang P3,500 para sa pangangailangan ng kanyang mga anak at ang natirang P3,000 ay ipinuhunan niya. Ang pera ay ipinambili niya ng mga sangkap para sa kanyang pagluluto ng take out breakfast. Isang magandang diskarte ang naisip ni Joverly upang mapakinabangan ang perang natanggap. Sa kanyang maliit na negosyo ay malaking tulong ito para kumita habang patuloy pa rin ang ECQ.


EmoticonEmoticon