Isa sa mga matatag na relasyon sa mundo ng show business ay ang mag-asawa na sina Richard at Lucy-Torres Gomez. Ang kwento ng kanilang pag-iibigan ay talaga namang mala-fairy tale lalo na at naisakatuparan ang pangarap ni Lucy na maikasal sa kaniyang prince charming.
Isang simpleng tagahanga lang noon ni Richard si Lucy nang mabigyan sila ng pagkakataon na magkatambal sa isang shampoo commercial at doon na nag-umpisa ang pagkilala nila sa isa't isa hanggang sa nauwi nga ito sa isang napakagandang relasyon.
Sa kasalukuyan ay nabiyayaan ng isang supling ang mag-asawa at magkasama silang naglilikod sa bayan. Si Richard ay siyang Mayor ng Ormoc samantalang si Lucy naman ay isang Leyte City representative. Sa kabila ng pagiging abala sa kani-kanilang gawain ay hindi pa rin napapabayaan ng dalawa ang kanilang relasyon at sa loob nga ng dalawampu't dalawang taon ay patuloy itong nagiging masaya at matatag.
Bilang simbolo ng kanilang di-matinag na pagsasama ay nagtanim ang dalawa ng puno ng Dita kasama ang dalagang anak na si Juliana sa mismong lugar na pinamumunuan ni Richard. Makikita ito sa mismong Instagram post ng Mayor kasama ang napaka-sweet niyang mensahe na nagsasabing:
"Today, we marked our 22nd anniversary by planting a beautiful Dita tree. It is an evergreen, just like my love for you @lucytgomez. Thank you for being my guiding light."
Samantala, hindi rin nagpatalo ang misis niyang si Lucy na nagbahagi ng maikling video ng kanilang kasal na ginanap noong 1998. Gawa ito ng batikang photographer at videographer na si Jason Magbanua na noon ay kinausap ni Lucy na tulungan siyang makagawa ng surprise video para kay Richard.
"Thank you for 22, my @richardgomezinstagram. You enter a room and you just bring the sunshine in. With you, everything is just better. Know that you are my love song, every bit of that magic I ever believed in", sagot ni Lucy sa mensahe ng kaniyang mister.
Talaga namang maihahambing sa matibay na puno ang pag-iibigan nina Lucy at Richard na mas lalo pang gumaganda at umuusbong sa paglipas ng panahon sa kabila ng pagdating ng anumang bagyo ng buhay.
EmoticonEmoticon