Thursday, May 28, 2020

Magsasaka, Ginulat Ang Stadium Management Matapos Niyang Taniman Ng Gulay Ang Isang Football Field

Tags


Isa sa mga nakikitang solusyon upang masustain ang produksyon ng pagkain ay ang pagtatanim ng mga prutas at gulay. Sa panahon kasi ng pandemya, dahil marami ang mga trabahong natigil at ang mga empleyado sa mga kumpanya ay labis rin na naapektuhan ay pahirapan na ang paghahanap ng pera para lang may maipangbili ng pangkain.

Kaya naman sa mga mahilig magtanim, ay hindi problema ito dahil anumang oras ay mayroong silang aanihin upang mayroon silang makain at hindi magutom.

Samantala, isang matandang magsasaka ang ginulat ang karamihan pati na ang management ng isang football stadium sa Makassar, Indonesia dahil tinamnan niya ito ng iba't ibang klaseng gulay.

Ibinahagi ng Instagram user na "redgank_psm" ang maiksing video na kung saan ang professional stadium ay naging isang malaking taniman ng gulay ng nasabing magsasaka. Makikita na ang dating football pitch ay nawala na dahil napalitan na ito ng mga tanim tulad ng petchay at iba pang gulay.

Marahil mainam ang magtanim ng mga gulay lalo na ngayong pahirapan sa paghahanap at pagbili ng pagkain, nalaman na naman na nag-tresspass lang pala sa nasabing football field ang magsasaka upang makapagtanim.

Ayon sa stadium secretary na si Muhlis Mallahareng, ay wala raw silang kaide-ideya na naging taniman na pala ng gulay ang nasabing football field. At kakailanganin ng stadium management na magpaliwanag sa football club na nagmamay-ari at nag-ooperate nito kung bakit mayroong taong nakakalabas pasok sa kanilang stadium na wala namang pahintulot at nakapagtanim pa ng mga gulay!

Makikita na nasira ng magsasaka ang football field dahil sa ginawa niya itong malawak na taniman ng halaman. At tiyak na malaki-laki rin ang aayusin sa panahon kung saan gagamitin na muli ito para sa football sport.

Ngunit panawagan ng mga netizens na sana ay hayaan muna ang magsasaka na ipagpatuloy muna ang pagtatanim rito lalo na't hindi pa naman ito magagamit dahil sa pandemya.


EmoticonEmoticon