Dahil sa patuloy na banta ng Covid 19 sa buong mundo, upang mapatuloy ang edukasyon ng mga bata ay gagamit muna ng ibang paraan ng pagtuturo, ito ay ang online learning. Ngunit hindi lahat ay mayroong gadgets at internet na magagamit para dito, kaya naman karamihan sa mga magulang ay namomroblema na kung papaano mapagpapatuloy ng kanilang mga anak ang edukasyon.
Sa bansang Thailand, ibinahagi ng netizen na si Jatupol Boriboon ang kanyang nakasalamuhang mag-lola na pumunta sa cellphone shop na kung saan siya ay nagtatrabaho.
Ayon sa kanya ay nagtanong ang lola kung mayroon ba silang tinitindang smartphone na hindi lalagpas sa kanilang budget na 2,000 baht ($62 o Php3.000).
Tanong ng lalaki kung para sa kanya daw ba ito, ngunit ang sabi ng matanda ay gagamitin raw sana ito ng kanyang apo para sa online classes.
Ipinaliwanag ng lalaki na wala raw silang available na phone na mabibili nila sa ganoong halaga. Ngunit mayroon naman silang installment plan. Ang kaso lang ay baka hindi rin nila kayanin ang monthly bills nito lalo na't kakailanganin rin nila ang internet connection para sa online class.
Napagtanto ni Boriboon na maganda nga ang online classes para maging safe ang bata lalo na sa panahon ng pandemya, ngunit hindi naman lahat ay may kakayahang bumili ng computer o smartphones upang magamit ng mga bata para mapatuloy ang kanilang pag-aaral.
Marahil sa mga may-kayang pamilya ay madali na lamang sa kanila ito, ngunit sa mga magulang na wala namang sapat na perang pambili ay mas lalo silang mahihirapan sa edukasyon ng kanilang mga anak.
Sa ngayon ay marami pa ring mga magulang ang tutol sa online classes at nag-nanais na ipost-pone na lang muna sana ang klase hanggat wala pa ring bakuna para sa Covid 19. Marami rin ang nangangamba na kung ibabalik man ang face-to-face learning o classic classroom learning ay malalagay lamang sa peligro ang kalusugan ng mga bata. At walang magulang ang papayag na isugal ang buhay ng kanilang anak.
Source: Facebook
EmoticonEmoticon