Nakita at nakuhanan ng litrato ng isang residente sa Rosario La Union ang dalawang rainbow sa kalangitan kamakailan. Ayon sa uploader, unang beses niyang makakita ng double rainbow na kalimitang isa lang ang makikita. Ang panagalawang rainbow na nakikita ay repleksyon lamang ng pangunahing rainbow dahil sa water droplets.
Kapag ikaw ay tumingin sa kalangitan. Ano ang kalimitan mong hinahanap? Lumilipad na ibon? Eroplano? Mga nauusong drones? O di kaya mga nakakamanghang hugis ng ulap? Ngunit sa tuwing umuulan o natatapos ang ulan, madilim lamang ang maaninag sa ating kalangitan. At paminsan-minsan ay mayroong ding lumalabas na bahaghari o rainbow na binubuo ng pitong kulay: pula, orange, dilaw, berde, asul, indigo at violet.
Ang bahaghari ay isang phenomena caused by refraction, light refraction at dispersion ng water droplets. Ito ay lumalabas sa kalangitan tuwing natatapos umulan o ang isang parte ng lugar ay inulin habang ang kabilang parte naman ay maaraw. Ngunit paano kung dalawang magkatabing bahaghari ay iyong makikita sa langit? Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Ito ay namataan at nakuhanan ng litrato ng isang residente sa Barangay Bani Rosario La Union. Dali daling pinost ni Jayson Christpher Javillo ang larawan at ni repost naman ito ng Philippine Star FB page. Ayon sa uploader, unang beses lang daw kasi niya makakita ng ganito kaya naman dali dali niya itong kinuhanan ng larawan at pinost. Itinuturing din na maswerte ang makakita ng double rainbow dahil ito ay simbolo ng transformation at good fortune ayon sa mga West countries.
EmoticonEmoticon