Sunday, May 3, 2020

Mag-asawa, Ginamit Ang Natanggap Na Cash Fund Para Makapagtinda Ng Mga Ulam At Graham Desserts

Tags


Kanya-kanyang diskarte ang bawat pamilya ngayong quarantine dahil sa pahirapan kumita ng pera. "Tiis-tiis na lang muna," ang sabi nga ng karamihan dahil pare-parehas lang naman tayong lahat na naapektuhan. 

Ngunit gayunpaman, hindi pa rin naman napigilan ang ilang mga kababayan na nagbigyan ng pinansiyal na tulong na mula sa g0byerno na humanap ng paraan para kahit papaano ay hindi lamang magasta ng minsanan ang kanilang natanggap na pera. Sa halip ay ginamit nila ito upang makapagsimula ng maliit na negosyo sa panahon ngayon ng krisis.

Isang wais na mag-asawa ang muli na namang nagpahanga sa mga netizens dahil sa kanilang diskarte upang mas mapalago pa ang kanilang natanggap na cash fund mula sa social amelioration program (SAP) ng DSWD.

Ayon sa isang netizen na si Thim Dasal, ibinahagi niya sa isang Facebook post ang isang lalaking nag-ngangalang Erick Embestro na taga Zone 4 San Francisco sa Iriga City. Isa raw si Erick sa mga residente doon na nakatanggap ng pera mula sa DSWD.

Matapos matanggap ang nasabing cash assistance ay ginamit nila ito bilang panimula ng negosyo ng kanyang asawa upang mas tumagal pa ito at mapalago. Katuwang niya ang kanyang asawa sa pagtitinda ng iba't ibang ulam at desserts tulad ng graham de leche at leche flan na tiyak naman na patok sa mga tao lalo na ngayong summer.

"Kudos kay kuya Erick Embestro
Receiver ng Social Amelioration Program sa Zone 4 San Francisco
After makareceived, ginamit nilang pangnegosyo ng asawa niya. Para magsustain.
Graham de leche, leche flan, ulam

Sana lahat po ganito. Gamitin yung pera sa tamang paraan."

Pinuri rin ng pamahaalaang lungsod ng Iriga si Erick dahil sa kanilang wais na desisyon na mag-asawa sa paggamit ng perang mula sa g0byerno. Wika naman ng ilang netizens,

"Dapat talaga tayong lahat ay may tiyaga din para umasenso. Hindi puro asa lang. Magsikap."

"Very good! Wag ng tumulad sa iba na panay reklamo at pag natanggap ang pera eh ubos agad, di man lang magisip kung pano palaguin ang perang binigay. Good job and good example ka kuya!"

"Pag may tiyaga may ginhawa. Yung iba kasi ay one day millionaire tapos pag wala na nakatunganga."

"Good idea! Keep up the good work. Tama yang ginawa mo dahil minsan lang makatanggap mula sa g0byerno kaya dapat pahalagahan."

Source; Facebook


EmoticonEmoticon