Sunday, May 3, 2020

Mga Pulis na Nanita sa Isang Lalaki, Tumulong Iuwi ang Panggatong at Binigyan Pa Ito ng Relief Goods!




Sa isang trending facebook post, ikinuwento ang naging pagtatagpo ng isang lalaking lumabas ng kanilang tahanan at may mga pulis na nakabantay. Sa una ay sinita ng mga pulis ang lalaki na kumuha ng mga kahoy na panggatong na gagamitin ng kaniyang pamilya sa pagluluto. Sinita man, tinulungan naman ng mga pulis ang lalaki na iuwi ang mga kahoy at namigay din sila ng relief goods para sa pamilya nito.

Mas lalong humigpit ang pagbabantay ngayon ng mga awtoridad sa labas upang maipatupad ang kaayusan sa gitna ng quarantine at mapalaganap ang social distancing para na rin hindi na dumami pa ang kaso ng COVID-19. Ngunit sa gitna ng paghihigpit, mayroon ding mga awtoridad na handang magbigay ng tulong sa mga Pinoy na nangangailangan nito, lalo na kung ang tulong na ito ay para sa ikabubuti ng pamilya. 





Sa isang trending post ngayon mula sa facebook page na Isko Moreno Domagoso Supporters, ikinwento ang naging pagtatagpo ng mga awtoridad sa isang lalaking namataan nila na nasa labas. Sa una ay sinita ng mga pulis ang tatay na kumuha ng kahoy na gagamitin ng kaniyang pamilya. Habang bitbit ni tatay ang mga kahoy na panggatong, ipinababa ito ng mga pulis sa kaniya at takot na sumunod na lamang ang tatay.

Sa pagkakatong iyon ay binuhat ng mga pulis ang mga kahoy na ibinaba ng tatay at isinakay ito sa sasakyan nilang gamit sa pagpapatrol. Bukod sa tinulungan ng mga pulis ang tatay na buhatin ang mga kahoy, binigyan din siya ng limang kilong bigas at mga delata bilang mga relief goods. Ang nasabing post ay humakot ng 429,000 reactions, 50,000 comments at 117,000 shares. 


EmoticonEmoticon