Friday, May 1, 2020

18 Anyos na Fil-Am, Natanggap sa Lahat ng 8 Ivy League Schools




Isang binata mula sa Florida USA ang natanggap saw along prestihiyosong Ivy League Schools sa buong mundo. Ang estudyante na ito na naging valedictorian sa kanilang senior high school ay isang Filipino American at mayroong Pinoy na ina. Kasama na ang walong Ivy league schools, natanggap sa 17 na unibersidad ang nasabing Fil-Am na estudyante.

Mula elementarya hanggang senior high school, hindi ganoong pinagtutuunan ng pansin ng ilang mga estudyante ang paaralan na kanilang papasukan. Karaniwan kasi ay sa parehong school lang pumapasok mula elementary hanggang high school ang isang Pinoy na estudyante. Ngunit pagdating sa kolehiyo, pinagiisipang mabuti ng mga magtatapos na estudyante ang kukunin na kurso at papasukang unibersidad.





Para sa iba, ang kolehiyo ang unang hakbang upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Ngunit paano kung natanggap ka sa halos lahat ng magaganda at prestihiyosong unibersidad hindi lang sa bansa kung hindi sa buong mundo. Tiyak na mas lalo kang mahihirapang mamili ng papasukang kolehiyo pati na rin ng kukuning kurso. Ito marahil ang nararamdaman ng 18 anyos na binata mula sa Florida USA nang matanggap niya ang acceptance letter ng walong Ivy League schools. Ilan sa mga prestihiyosong unibersidad sa mundo. Ang walong Ivy League schools ay kinabibilangan ng Dartmouth College, Brown University, Columbia University, Cornell University, Harvard University, Princeton University, University of Pennsylvania at Yale University. 

Ang binate na natanggap sa mga unibersidad na ito ay si Craig McFarland, isang Filipino-American at senior high school student sa Stanton College Preparatory School sa Jacksonville Florida. Hindi na nakakapagtaka na natanggap si Craig sa 17 unibersidad kabilang ang walong Ivy League Schools dahil siya ang valedictorian ng kanilang klase at mayroon siyang grade point average na 4.98 at tinatanyag na 4.0 ang pinakamataas na average. 


EmoticonEmoticon