Friday, May 1, 2020

Batang Doktora na Nakasurive ng Covid19, Itinuturing na Regalo ng Panginoon Para sa Kaniyang Kaarawan ang Recovery Nito

Tags




Sa pagkalat ng COVID-19 sa buong mundo ay marami ang napasabak sa tinatawag na "frontline" upang mapigilan ang lalong paglala nito at para mapagaling ang mga taong nagkaroon nito. Karamihan sa mga ito ay ang mga doktor, nurses at iba't-ibang mga propesyonal na nasa larangan ng medisina na halos sa mga ospital na tumira matulungan lamang ang mga nangangailangan ng kanilang serbisyo. Dahil rito, marami na rin ang namatay habang nasa serbisyo at ang ilan naman ay naging kritikal, isa na rito ang noo'y 26 anyos lamang na doktorang si Carmina Fuentebella.

Isang residente si Dr. Carmina sa University of Santo Tomas Hospital (USTH) at mula pa nang makarating sa ating bansa ang coronavirus ay nagsilbi na ito roon. 


Sa kasamaang palad ay nakuha nito ang virus at naging kritikal pa ang kalagayan nito hanggang sa kinailangan pa nitong ma-intubate kalaunan. Labis ang pag-aalala ng pamilya at mga kaibigan ng batang doktora, kaya nanghingi sila ng panalangin sa mga tao para sa paggaling nito.


Tila lahat ng mga panalangin ay dininig ng nasa itaas at siya nga ay gumaling mula sa virus. Nitong Abril 24 naman ay nagbigay ng mensahe ang doktora sa Facebook para sa kanyang kaarawan.



Binanggit nito na ang "gift of life" na ipinagkaloob sa kanya ay ang pinakamagandang regalong natanggap niya sa kanyang ika-27 na kaarawan. 


Todo ang pasasalamat nito para sa lahat ng nagdasal para sa kanya lalo na ang kanyang pamilya at sa mga taong nagtulong-tulong upang mapagaling siya, partikular na ang kanyang mga kapwa-doktor at mga nurses.




Siniguro naman ni Dr. Carmina na siya ay muling magsisilbi sa fronline kapag ito ay tuluyan nang gumaling. Isang karangalan raw para rito ang mahasa at magsilbi sa ilalim ng USTH kaya babalik itong muli at sa pagkakataong iyon ay mas magiging maingat na raw ito. 

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe ay hiniling nito na sana'y manatiling ligtas ang lahat lalo na ang mga nasa frontline at na sana ay tuluyan nang mapuksa ang virus na ito


EmoticonEmoticon