Sino ba naman ang ayaw magkaroon ng maganda at marangyang buhay, mabigyan ng kaginhawaan ang pamilya, magkaroon ng malaking kinikita? Kaya lahat tayo nagsusumikap, nag-iisip kung ano ang pwedeng pasuking magandang negosyo at kung paano tayo makaka-ahon sa buhay. Marami na ang naglilipana, nakikita at nababasa natin sa internet o kahit ano pa mang social media na sa murang edad may sariling bahay na, hindi pa nakapagtapos ng pag-aaral subalit may malaking kinikita na buwan-buwan. Alam naman nating lahat na sa pamamagitan ng Facebook at YouTube ay may pera.
Tiyak na magtataka at mamamangha kayo sa kwento ng isang batang babae na ito na sa murang edad ay nakabili na ng kaniyang sariling apartment block.
Ang bahay na kaniyang binili na nagkakahalaga ng 7.9 million dollars ay katas ng kaniyang kinita sa isang buwan lamang sa kaniyang Youtube account!
Ang nasabing batang babae ay kinilalang si Boram, 6 na taong gulang, nagmamay-ari ng 'Boram Tube Toy Review'. Ang nasabing dalawang YouTube channel ay may milyon-milyong subcribers – kasing dami ng 13.6 milyon at 17.5 milyon, ayon sa pagkakabanggit.
Bukod sa mga natitirang kita mula sa mga lumang video, kumikita din si Boram bawat buwan mula sa kanyang mga ads na may bagong nilalaman na na-upload ng kanyang mga magulang sa kanyang mga channels. Kumikita raw ito ng humigit-kumulang $3 million sa isang buwan.
Sa ganun kalaking halaga, hindi na maitatanong kung paano niya nakayanang bilhin ang mamahaling apartment block sa suburb ng Gangnam sa South Korea kung saan siya nakatira.
Binili ng batang babaeng Koreana ang nasabing property sa pamamagitan ng kumpanya ng Boram Family dahil sa kanyang murang edad ay hindi pa siya pwedeng maging ligal na may-ari ng nasabing property.
Sa kanyang channel, simple lamang ang kaniyang ginagawa. Makikita lamang na sinusuri ng 6-taong-gulang na vlogger ang mga laruan, nakikipaglaro sa kanyang mga magulang at kaibigan, at nagbabahagi ng ilang mga aspeto sa kanyang pang-araw-araw na buhay.
Ngunit habang siya ay isa sa pinakasikat na Korean YouTubers, maraming mga netizens ang nag-aalala sa posibleng pagsasamantala sa isipan ng bata, lalo na sa kadahilanang siya ay nasa murang edad pa para ma-expose sa social media.
Maraming mga netizens ang naniniwala na ginagamit lamang si Boram ng kanyang mga magulang upang kumita ng pera - lalo na dahil napakabata niya talaga upang maunawaan ang mga bagay pagdating sa pera.
May ilang mga tao rin na itinuturo din na kahit na ang karamihan sa nilalaman ng Boram Tube Vlog ay mabuti, mayroong mga video na naglalarawan ng masamang pag-uugali at waring nagtataguyod ng masamang pag-uugali.
Halimbawa, iniulat ng organisasyon ng Save The Children na ang isa sa mga video sa kanyang mga channel ay ipinakita na siya ay kumukuha ng pera mula sa wallet ng kanyang mga magulang. Ang isa pang ipinakita ay ang kanyang pagmamaneho sa isang kalsada - at tiyak na ito ay labag sa batas, isinasaalang-alang na siya ay 6 taong gulang lamang!
Mula sa utos ng Seoul Family Court, ang kanyang mga magulang ay sumailalim mula sa pagbibigay ng mga payo upang maiwasan ang mga nasabing insidente na maaaring mangyari muli.
Sa edad na 6 at ang kanyang mga channels na patuloy na lumalaki, si Boram ay maaaring maging isang pinakasikat na YouTuber sa buong mundo! Ngunit kahit na hindi siya manalo sa Top 10, ang kinikita niya namang $ 3 milyon ay talagang hindi na masama, huh?
EmoticonEmoticon