Nagpasalamat ang ilang Pinoy sa isang netizen na gumawa ng mga papel na bulaklak para sa mga lahat ng mga frontliners na nag-alay na kanilang buhay upang manggamot at labanan ang COVID19. Ayon sa report ng GMA News, isa ito sa mga paraang naisip ng netizen para magbigay pugay sa mga binansagang “unsung heroes” ng bayan. Bago ito, gumawa na rin daw ng mga bulaklak ang naturang netizen para sa naunang 100 na mga pasyente na nawalan ng buhay din sa ating bansa.
Ngayong patuloy na tumataas ang bilang ng mga kumpiramadong kaso ng coronavirus o COVID 19 sa Pilipinas, hindi maitatanggi na talagang napakahalaga ng ginampanang tungkulin ng mga frontliners particular na ang mga doctor, nars, medical staff, pulis, sundalo, barangay officials at iba pa. Ngunit sa kasamaang palad, hindi naiwasan na mamaalam ang ilan sa kanila dahil sa pakikipaglaban sa nararanasan natin na ito.
At bilang pagpugay sa mga magigiting na doctor na nagsakripisyo ng kanilang buhay para sugpuin ang COVID 19, naisipan ng isang netizen na gumawa ng bulaklak na papel para alalahanin ang mga binansagang bayani ng bansa. Dahil dito, lubos na nagpasalamat ang ilang mga Pilipino para sa munting regalong handog ng netizen. Kahit kasi simple lang ito, hindi pa rin matatawaran ang ipinakita niyang pagpapahalaga para sa mga doctor at frontliners natin sa bansa.
Kinilala ang netizen na si Maria Elvira Forcadas na kasalukuyang nananatili sa kaniyang boarding house sa Pasig City nang ipinatupad ang enhanced community quarantine. Bago pa man ito gumawa para sa mga frontliners natin ay gumawa na diumano si Maria ng 100 din para sa mga kababayan natin na nauna na sa atin.
EmoticonEmoticon