Nakapukaw sa pansin ng maraming netizens ang isang facebook post tungkol sa isang klase ng insekto na karaniwang nakikita ng mga Pinoy. Ang insekto na ito na mukhang lamok ay may mahalaga palang papel sa kapaligiran. Dahil ang insekto kasi na ito ay naninira ng mga itlog ng ipis at ito rin ay hindi nakakapaminsala sa mga tao.
Kalimitang itinuturing na mapaminsala sa ating mga tao ang mga insekto tulad ng lamok sa kapaligiran. Bukod sa sila ay maaring pagmulan ng karamdaman dahil sa kung saan-saan sila dumadapo, sila rin ay nangangagat or nangunguha ng dugo sa ating balat. Ngunit hindi pala lahat ng insekto ay mapaminsala sa ating mga tao. Sa isang facebook post na nakapukaw sa pansin ng maraming mga netizens, ipinaliwanag kung ano ang papel ng isang insekto sa ating kapaligiran.
Ang insekto na ito na mukhang lamok ngunit ang mga binti ay parang gagamba ay isa umanong “Evania Appendigaster”. Inilarawan ang Evania Appendigaster na isang unusual wasp. Isa itong klase ng insekto na karaniwang may pakpak at maliit na katawan. Hindi tulad ng ibang wasps, ang Evania ay hindi gumagamit ng sting kung hindi importante pa umano ang papel nito sa loob ng ating bahay. Ang Evania Appendigaster kasi ay naghahanap at naninira ng itlog ng mga ipis. Bukod pa rito, hindi rin sila mapanganib sa mga tao.
Napamangha ang mga netizens sa ganitong klaseng kaalaman lalo na at karaniwan silang makakita ng ganitong mga insekto. Ang FB post tungkol sa Evania ay ibinahagi sa page na “Random Ideas” at nagkaroon ng 49,000 reactions na halos puror naka “Wow” at 48,000 shares at 11,000 comments. Habang marami ang namangha sa insekto na ito, marami ring mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga karanasan patungkol dito.
EmoticonEmoticon