Nawalan na ng hanap buhay, pahirapan kumita ng pera, napalayas pa sa inuupahang bahay. Iyan ang karaniwang sitwasyon na nararanasan ng isang pamilya na ito sa NS Amoranto sa Quezon City.
Simula noong pinatupad ang enhanced community quarantine ay labis na naapektuhan ang ilang mga namamasadang jeepney drivers dahil pansamantalang itinigil ang kanilang paghahanap buhay. At dahil dito may ilang pamilya na pinili na lamang manirahan sa kanilang mga pinapasadang jeep dahil hindi na sila makabayad sa inuupahang bahay.
Ibinahagi ang kasalukuyang kalagayan ng isang pamilya na ito ni Bernadette Reyes sa pamamagitan ng isang Facebook post. Aniya,
"Pamilya ng mga jeepney driver nakatira ngayon sa pinapasadang jeep dahil wala nang pambayad sa upa mula nang matigil ang byahe. Umaasa sila sa mga dumaraang motorista para maitawin ang pangkain araw-araw. Sa jeep sila natutulog at kumakain habang sa gilid ng kalsada sila nagluluto at naglalaba.
Makikita na nakahakot na ang kanilang mga gamit sa naturang jeep at naglatag na lamang sila ng mga karton sa sahig ng jeep upang mayroon lamang silang matulugan. Napalayas sila di umano sa kanilang inuupahang bahay dahil wala na silang maipangbabayad dahil wala rin naman silang napagkakakitaan ngayon.
Maging ang kanilang pagkain sa araw-araw ay umaasa na lamang sila sa mga motoristang nag-papaabot ng kanilang tulong. Kaya naman para mapansin ang kanilang kalagayan ay naglagay na lamang sila ng plakard sa gilid ng kanilang jeep at sinasabing nanghihingi sila kahit konting tulong.
Panawagan ng ilang mga netizen na sana ay nagkaroon man lang kahit konting konsiderasyon ang kanilang inuupahang bahay dahil pare-parehas lang naman tayong naapektuhan ng krisis na ito. Hindi man naawa sa kalagayan ng pamilya. Narito ang ilang komento ng mga netizens tungkol dito.
"Grabe sana naman konting kunsiderasyon dun sa nagpapaupa. Sa ganito sitwasyon nakakahabag yun mga bata. Nakakadurog ng puso."
"Oo dapat panagutin yung mag ari ng bahay na yan. Bawal yung ginawa nila sana may tumulong sa kanila."
"Grabe naman yung may ari ng paupahan! Masyadong sakin sa pera! Di bale may balik po yan!"
Source: Facebook
EmoticonEmoticon