Magpasalamat tayo sa kung ano ang meron tayo ngayon. Magpasalamat ka kung may tahanan kang natitirahan at higaang natutulugan dahil karamihan sa atin walang maayos na tirahan at komportableng matutulugan. Magpasalamat ka kung may pagkaing nakahapag sa inyong hapag-kainan dahil ang iba ay ipinapalipas ang oras at itinutulog ang kumakalam na sikmura. Iba-iba man ang nararansan at kwento ng ating buhay, ang mahalaga, hindi tayo nakakalimot na tumulong at tulungan ang ating kapwa.
Katulad na lamang ng kwento ng dalawang matandang mag-asawa na ito. Kung inyong natatandaan ang kanilang inuulam na lamang ay ‘chichiryang bangus’ dahil ito lamang ang kaya nilang bilhin sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ).
Pero dahil sa mga taong may mabubuting puso at busilak na kalooban, sila at nakatanggap ng tulong at sa wakas ay nakakain ng totoong bangus!
Ang kalungkutan ng matandang lalaki, na kinilalang si Tatay Ricardo, at ang kanyang asawa ay ibinahagi sa social media ng isang netizen na si Shang Marquez. Binili ng mag-asawa ang kanilang 'chichirya na bangus' mula sa sari-sari store na pagmamay-ari ng biyenan ni Shang kaya dito nalaman ng netizen na ito na lamang ang kanilang inuulam.
Bagaman binigyan ng pamilya ang mag-asawa ng iilang mga pagkain, kasama na ang bigas, asukal, kape, at tinapa. Ang mga ito ay maaaring magtagal lamang sa kanila ng ilang araw.
Kaya, ibinahagi niya ang kalagayan ng mag-asawa, sa pag-asa na bibigyan sila ng lokal na pamahalaan ng mas maraming pagkain.
Isinalaysay ni Shang, “Walang nasabi si tatay sa pag-abot at paghawak niya ng mga ibinigay naming pagkain, tanging panginginig at panghihina ng kanyang katawan ang kanyang naitugon sa subrang katuwaan.”
Matapos mag-viral ang post, nagbuhos ang mga donasyon para sa dalawang matandang mag-asawa! Nagpadala ng pera ang mga Netizens kay Shang upang matulungan ang mag-asawa na bumili ng totoong isda! Wow.
Ito ang nasabi ni Shang kay Tatay Ricardo, “Tay, makakakain at makakatikim na kayo ng totoong bangus.”
Dahil maraming mga netizens ang nagpadala ng pera para sa mag-asawa, nagawa din ni Shang na tulungan ang dalawa na bumili ng iba pang mga kagamitan na kailangan nila sa bahay, kasama ang isang kalan na may isang tangke ng gas, kaldero at kawali, kagamitan sa kusina, thermos, mga istante sa kusina, at maraming mga pagkain! Tumulong din si Shang at ang kanyang mga kaibigan upang ayusin ang bahay at kama ng mag-asawa.
Ang mag-asawa ngayon ay mayroon ng bigas at ilan pang mga item ng pagkain na tatagal ng ilang Linggo.
Laking pasasalamat ng mag-asawa sa mga taong nagbigay ng donasyon at pagkain sakanila at lalong lalo na sa netizen na si Shang na nagbahagi ng kanilang kalagayan.
Ang dating Chichiryang bangus na kanilang kinakain ay totoong bangus na ngayon ang kanilang natikman! Godbless sa mga nag-donate.
Sabi nga sa kasabihan, “Mas maganda ang nagbibigay, kaysa tumatanggap.”
EmoticonEmoticon