Saturday, April 25, 2020

Wais Misis Nakatanggap Ng P6,500 Na Ayuda, Ginawang Panimula Ng Maliit Na Negosyo

Tags


Maraming tao ngayon ang nahihirapang makahanap ng pera dahil sa natigil ang mga trabaho at negosoyo. Kaya naman no choice dahil talagang pinagkakasya lamang ang natitirang pera pambili ng mga esensyal na pangangailangan. 

Ngunit ibahin natin ang mga madiskarte at business minded na tao, dahil kahit ang kakaunting perang natatanggap nila na ayuda ay napapalago nila at ginawa nilang kapital na panimula sa kanilang negosyo. 

Katulad na lamang ng wais na misis na ito na taga San Mateo, Rizal. Ayon sa 24 taong gulang na si Joverly Arellano, nakatanggap siya ng Php6,5000 mula sa social amelioration benefit. Dahil sarado ang kanyang maliit na negosyong computer shop, walang kinikita ang kanyang pamilya.

At noong makatanggap siya ng pera, ay dumiretso ito agad sa pamilihan. Ang Php3,500 ay inilaan niya para sa mga pangangailangan ng kanyang dalawang anak, samantalang ang natirang Php3,000 ay ipinambili niya ng mga karne, noodles, at iba pang sangkap.

Hindi lamang ito para sa kanyang pamilya, kundi ginamit niya ang mga ito para makapagtayo ng maliit na take-out breakfast business. 

Aniya,

"Mas maigi ngayon may kinikita ka. Sarado ngayon 'yong computer shop, mag-2 months nang sarado, walang kinikita. Tapos 'yong asawa ko wala namang pinapadala."

Ang mister kasi ni Joverly ay na-istranded sa Pampanga dahil nagtatrabaho ito bilang construction worker. At dahil wala rin namang pasok sa mga trabaho kaya wala rin itong maipadalang pera sa kanila.

Kaya imbes na umasa na lamang sa suporta ng kanyang asawa, ay minabuti niyang gumawa ng sariling diskarte para kumita ng pera kaya ginamit niya ang perang kanyang natanggap. 

Wais nga naman ni misis! Alam niyang bigyan ng makabuluhang halaga ang grasyang natatanggap niya. Hinangaan rin ng mga netizens ang ginawa ni Joverly, at payo nila sa iba na dapat lang na ilaan sa tamang paraan ang kanilang natatanggap na tulong hindi iyong ginagasta ito para sa mga walang katuturan na bagay.


EmoticonEmoticon