Friday, April 24, 2020

Filipino Pride! Isang Pinoy Iskolar sa Europa, Nagtapos Bilang Summa Cum Laude sa Kaniyang Master’s Degree!




Iba talaga ang galing ng mga Pilipino at kahit sa ibang bansa ay kapansin-pansin na kaya nating makipagsabayan sa mga dayuhan sa kahit na ano pa mang larangan ng buhay.

Sa katunayan, kamakailan lamang ay isa na naman nating kababayan ang nagtaas ng bandera ng Pilipinas sa Europa matapos siyang magtapos bilang Summa Cum Laude sa kaniyang Master’s Degree!


Siya ay walang iba kundi si Ken Tangcalagan at nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Nursing and Associate in Health Science Education sa Univeristy of San Jose- Recoletos sa Cebu. Matapos nito ay nakapagtrabaho siya bilang isang nurse sa Perpetual Succour Hospital. 



Sa kabutihang palad ay napabilang din siya sa mga nabiyayaan ng pagkakataon na maging iskolar ng Erasmus Joint Masters Degree in Comaprative Local Development noong buwan ng Mayo taong 2017. Sa pamamagitan ng programang ito na magtatagal ng dalawang taon ay maari siyang makapag-aral sa Europa at pwede niyang masubukan ang iba’t ibang paaralan doon!


Noong unang semestre ay nag-aral siya Corvinus University of Budapest sa Hungary. Ang pangalawang semestre naman ay ginugol niya sa University of Regensberg sa Germany at ang pinakahuli ay sa University of Trento sa Italy.

“Closing for now this beautiful chapter of my two-year Erasmus Mundus journey here in Europe. If there has been one great thing I’ve learned from these last two years, it would be resilience,” pagbabahagi ni Ken sa kaniyang Facebook account.




Maganda man sa paningin ng ilan ang naging buhay ni Ken sa Europa lalo na at libre lahat ng kaniyang pangangailangan kagaya ng tuition fee, pagkain, tirahan at mayroon pang monthly allowance, ay hindi rin biro ang kaniyang pinagdaanang pagsubok bago niya makamit ang kaniyang tagumpay lalo na at malayo siya sa kaniyang pamilya.


“I’ve been tested these past two years with the toughest times while being all away to the other side of the world. But through all those challenges, it has only made me even stronger and inspired to move even further… My goal is to make the best out of the scholarship… Also I wanted to make my family and friends back home proud and even my colleagues at work since I left the Philippines for this education so at least at the end of the program there is something – this is what I did.”


Batid rin ni Ken na hindi kaniya ang perang ginagastos sa pag-aaral at ito ay mula sa buwis ng mga tao sa Europa kaya naman mas lalo niyang pinagbubutihan ang kaniyang ginagawa. Nagbunga nga ang kaniyang sipag at determinasyon sa pag-aaral kaya naman nakapagtapos siya bilang Summa Cum Laude at nabigyan pa ng karangalan ang kaniyang pamilya maging ang bansang Pilipinas.

Congratulations Ken! Nawa ay patuloy kang makatulong sa ating kababayan gamit ang iyong mga napag-aralan at napiling propesyon.


EmoticonEmoticon