Nakakatuwang isipin, na kahit sa kalagitnaan ng krisis na ating nararanasan ngayon ay mayroon tayong mga mabubuting kababayan na nagpapaabot ng kanilang mga tulong. At ang mas nakakaantig pa ng puso, ay kung sino pa ang hirap rin sa buhay ay sila pa iyong gumagawa ng paraan para makapag-abot ng tulong sa kanilang kapwa.
Naantig ang damdamin ng netizen na si Aldwin Chan Domingo sa isang magsasakang Ilocano na namigay ng mga aning gulay sa mga frontliners.
Hindi man sa pinansiyal na aspeto nakatulong ang magsasakang nakilala bilang si Rasel Reondes ay sinikap naman niyang makapamahagi ng mga saluyot at malunggay sa kanyang kapwa na napakalaking tulong na rin ito sa mga wala ng makain.
Pinasalamatan ni Aldwin si Rasel dahil sa kanyang kabutihang loob at sa kanyang effort. At sobra raw itong na-touch dahil akala niya ay iiwan lamang nung tao yung mga bunga ng malunggay at saluyot sa mga frontliners ngunit ibibigay pala niya ito ng libre sa mga frontliners.
Kung iisipin ay napakalaking sakripisyo rin ang ginawa ni Rasel lalo na't kinuha niya ang mga ito habang tirik ang araw at nagbiyahe pa siya gamit ang kanyang bisikleta para lamang maiabot ang mga gulay na ito.
Ibinigay raw ni Rasel ang mga gulay na kanyang napitas sa Brgy. San Gregorio, San Nicolas sa Ilocos Norte kahit na hindi naman siya taga-roon. Hindi man nila siya kabarangay ay ipinamalas pa rin niya ang kanyang malasakit sa kanyang mga kababayan.
Hinangaan naman ng mga netizens ang kabutihang loob ni Rasel at hiling na sana ay mayroong ding tumulong sa kanya. Narito ang ilang sa mga komento.
"Sigurado malinis ang isip at puso nito. Dakila ka kapatid kaawaan ka nawa ng Diyos. Siguradong pagpalain ka niya sa buhay."
"Sana dumami pa ang katulad mo!"
"Mayaman man o mahirap we have our own ways to help."
"Humanity amidst the crisis!"
"Ganyan sana ang dapat mabigyan ng ayuda kase alam naman niya ang kalagayan ng mga frontliners, I salute you brother."
Source: Facebook
EmoticonEmoticon